“Tita Nath,” tawag ni Nazts, dahilan para pareho kaming mapalingon ni Gabriel sa bata. Hindi namin namalayan na bumaba na pala siya mula sa hagdan. May hawak pa siyang maliit na stuffed toy habang dahan-dahang lumapit sa amin. Nakatayo na ako, katatapos ko lang iligpit ang first aid kit na ginamit ko kay Gabriel. Kita ko pa rin ang bahagyang kirot sa mukha niya habang marahan niyang hinihimas ang kanang balikat na kakagawa lang ni Clarenze kanina. “Uuwi ka na po ba, Tita?” tanong ng bata, mahinahon ang boses. “Yeah,” maikli kong sagot, sabay ngiti nang tipid. “Dito ka na lang po matulog, Tita,” biglang sambit niya. Natigilan ako at bahagyang napatingin sa kanya bago ko ibinaling ang tingin kay Gabriel, na nakasandal lang sa sofa, tahimik at nagmamasid sa amin. “Kailangan kong umuwi, Nazts,” mahinahon kong sabi. “Wala kasing kasama si Tita Gia mo sa bahay. Pasensya na, ha?” sabay marahan kong ipinatong ang kamay ko sa ulo niya. Tumango lang ang bata, pero halata sa mukha ni
Last Updated : 2025-11-02 Read more