“Noong isang araw, noong niyaya kita, sabi mo you had a headache. Tapos ngayon, ang irarason mo ay may regla ka?” wika niya, bakas ang inis sa kanyang boses. “Mayroon naman talaga, ah,” tugon ko, pilit pinananatiling kalmado ang tono ko. Naputol ang usapan namin nang sabay naming mapansin si manang Salome na papalapit, may dalang baso ng gatas para kay Russian. “Salome, ikaw muna ang magbasa ng bedtime story kay Russian,” malamig na utos niya sa kasambahay. Agad namang tumango si Salome bago marahang pumasok sa kwarto ng bata. Nang wala na sa paningin namin si Salome, napaigik ako nang marahas niyang hablotin ang braso ko. Ramdam ko ang gigil niya sa akin. “Natasha, once in a blue moon lang may nangyayari sa atin. Kaya huwag ka nang magtaka kung nambabae ako dahil ang tamad-tamad mo pagdating sa sex,” gigil niyang sambit, nanlilisik ang mga mata at bahagyang nanginginig ang panga sa inis. Hindi ko napigilang mangalit ang mga ngipin ko habang pinipigilan kong maiyak. Ayaw kon
Huling Na-update : 2025-10-24 Magbasa pa