**Natasha** 4:50 PM... Abala ako sa pagguhit ng bagong couture gown design sa aking íPad Pro, gamit ang Applé Pencil, habang nakaupo sa kama. Naka-open pa ang Procréate app, kung saan sinusubukan kong i-blend ang shade ng champagne gold sa sketch ng bodice nang biglang kumatok si Gia. “Nath, gising ka na ba?” tawag niya mula sa labas. Kaagad kong inilapag sa kama ang íPad at bumaba ng kama upang pagbuksan siya ng pinto. Tatlong oras akong nakatulog, pero pagkagising ko, kahit mabigat pa ang pakiramdam ko, agad kong naisipang magdisenyo ng bagong evening gown para sa koleksyon ng Berden Haute Atelier, ang luxury fashion line ko na sumunod sa tagumpay ng unang brand ko, ang Natasha Berden Scents. “Bakit?” tanong ko, pagkabukas ng pinto. “Narito si Gabriel. Nasa ibaba,” sagot niya. Hindi ko naiwasang mapakunot-noo. “Anong kailangan niya?” “Kasama niya ang dalawang bata. Balak yata niyang iwan muna sa’yo ang kambal dahil may event siyang pupuntahan,” tugon niya. Napa-“ah” na lang
Huling Na-update : 2025-11-13 Magbasa pa