**Natasha** “In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit. Amen. Dear God, thank You for this very fun day. Thank You for the yummy food, at sa ice cream po sobrang sarap, sana po bukas may ice cream ulit. Thank You rin po for the long drive, namasyal po kami sa barrio, ang saya doon—ang daming bata. Thank You rin po for keeping us safe today,” malumanay at malinaw ang boses ni Nazts habang nakatayo siya sa harap ng kama. Nakatikom ang mga kamay niya, seryosong nakapikit ang mga mata, at buong puso siyang nagdarasal bago matulog. Nakatayo ako sa gilid niya, nakatingin sa kanyang inosenteng mukha habang si Gabriel naman ay nakasandal sa headboard ng kama, naka-relax ang mga braso at kalmadong pinapanood ang anak na tila isang munting pari kung magdasal. Si Razts naman ay nasa tabi ni Gabriel, nakapikit rin ang mga mata, at tahimik na nakikinig habang nakapatong ang ulo sa braso ng ama. Nazts did this because Gabriel specifically requested na mag-pray muna bago matulog,
Huling Na-update : 2025-11-28 Magbasa pa