**Natasha** “Patay na ang mommy mo, Russian. Wala na siya,” ani ko sa bata habang nakaupo kami sa gilid ng kama. Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi nang dahan-dahan siyang tumango, bakas ang matinding lungkot at takot sa kanyang mga mata. “D-Daddy killed h-her. I saw him… I saw how he pushed mommy,” nanginginig niyang kwento. Pira-piraso ang bawat salita, tila ba bawat alaala ay muling sumusugat sa kanyang murang isipan. Kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata, ang takot na hindi dapat nararanasan ng isang bata, lalo na mula mismo sa sariling ama. “Mommy Nath… ayaw ko na kay d-daddy. Umalis na tayo r-rito,” saad niya bago tuluyang humagulgol. Napayakap siya sa akin, ang maliliit niyang kamay ay mahigpit na nakakapit sa damit ko, para bang ako na lamang ang tanging ligtas na lugar na meron siya. Napahigpit din ang yakap ko sa kanya. Halos madurog ang puso ko sa awa. Ngayon, alam na niya kung gaano kalupit ang taong dapat sana’y nagpoprotekta sa kanya. Pareho kaming nap
Last Updated : 2025-12-19 Read more