Pagdating ko sa Berden Mansion, agad akong sinalubong ni Sullivan. “Welcome back, Natasha,” bati niya sa akin. Naka-Armani suit siya na may bow tie, perpektong plantsado at halatang kakagaling lang sa kamay ng isang personal stylist. Mukha siyang may pupuntahang isang napakahalagang event. Samantalang ako, pakiramdam ko ay halos bumagsak na ang mga balikat ko sa bigat ng pagod, at ramdam ko ang lamig na sumisingit sa pagitan ng kaba at lungkot na pilit kong tinatago. Siya naman, nakangiti, para bang ang simpleng pagbalik ko ay sapat na para luminis muli ang buong mundo niya. Nang marinig ko ang yapak mula sa hagdanan, dahan-dahan akong napalingon. Doon ko nakita ang aking ina. Suot niya ang isang mamahaling evening dress na kumikislap sa bawat hakbang niya. Kasama niya si Russian na naka-suit at bow tie rin, bahagyang nakasimangot, halatang masama ang timpla o napwersang sumunod. Kahit ganoon, hindi ko maiwasang mapahanga sa taglay niyang kagwapuhan. Namana niya iyon sa kanyang am
Huling Na-update : 2025-12-11 Magbasa pa