Tiningnan ni Emily ang asawa niya dahil matapos ang tawag ay nakatitig na ito kay Caroline.“Anong sinabi sayo?” tanong ni Emily. Napabuntong hininga naman si Winston.“Don’t worry, Dad, pupuntahan namin ni Isaac bukas ang CEO ng Thompson Legacy Group para kausapin ito at alamin kung anong nagawa nating mali.” Pagvovolunteer ni Aubrey.“Hindi na kailangan,” sagot naman ni Winston saka niya muling tiningnan si Caroline na patuloy pa ring kumakain. “Ang gustong makausap ng CEO ay si Caroline. Ibabalik lang nila ang pakikipagpartnership sa atin kung si Caroline ang ipapadala ko para kumausap sa CEO.” Seryosong saad ni Winston, nasamid naman si Caroline sa kinakain niya dahil bakit siya? Napatingin na rin sa kaniya ang pamilya niya.“Bakit ako?” nagtatakang tanong ni Caroline.“Hindi ko pa nakikita ang CEO ng Thompson Legacy Group, do you know him, Caroline?” tanong sa kaniya ng kaniyang ama na mabilis niya namang ikinailing.“I don’t know him at wala akong balak na makipagkita sa kaniya.
Last Updated : 2025-07-12 Read more