Share

Kabanata 11.2

Penulis: Rhea mae
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-16 15:44:01

Halos hindi nakatulog ng maayos si Caroline sa sinabi ni Caleb sa kaniya kagabi. Ginulo ni Caleb ang laman ng puso at isip niya. Alam naman nila pareho na hindi seryoso ang kasal nila, naikasal lang sila dahil sa padalos-dalos na desisyon. Itinaklob ni Caroline sa mukha niya ang unan niya. Tanghali na pero hindi pa rin siya bumabangon.

Palagi siyang maaga pumasok sa kompanya nila pero ngayon mataas na ang sikat ng araw pero nakahiga pa rin siya sa malambot niyang kama. Napabuntong hininga siya. Nang mahimasmasan siya ay bumangon na siya. Dumiretso na siya sa bathroom niya at naligo. Hindi na rin siya kumain dahil late na talaga siya. Ilang oras na lang ay magtatanghalian na rin.

“Ma’am Caroline, bakit ngayon lang po kayo? Hindi niyo po ba natanggap ang message ko sa inyo kagabi? May meeting po kayo ngayon at nasa conference room na po silang lahat.” Natatarantang saad ng secretary ni Caroline. Hindi nabasa ni Caroline ang message sa kaniya ng secretary niya dahil masyado ng okupado an
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jenalyn Purgatorio
habaan niyo Naman Ng upload.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   AUTHOR'S NOTE

    Thank you for reading my story until the end. So much appreciated po sa mga sumuporta sa story kong ito lalo na sa mga dati ko ng readers. Thank you po sa paghihintay ng pagpublish ko ng mga bagong story. Baka gusto niyo rin pong basahin ang isa kong ongoing na story title, CHASING MY BEAUTIFUL DOCTOR. Sana suportahan niyo rin po ang isusulat ko pang mga stories. Pafollow na lang po ako para kung sakaling may bago po akong story, may mareceive po kayong notification. May isusunod na po ako ulit na story title TAMING THE CRAZY TYRANT HEIR kung sakaling maaprobahan. Sana basahin niyo rin po pero bago ko ipublish yun, tatapusin ko muna yung isa ko pang story. Kayo po na mga readers, mas prefer niyo po ba talaga ang taguan ng anak, secretary x CEO, contract marriage, arrange marriage, one night stand? Gusto ko sanang sumubok ng ibang daloy ng story pero dahil mas masusunod ang readers, natatakot akong gumawa dahil baka langawin lang at ayaw ko namang mangyari yun dahil mas gusto ko yung

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   EPILOGUE 3

    Naghintay pa siya ng halos limang minuto bago dumating si Caleb. Sumakay naman siya kaagad sa passenger seat saka niya matamis na nginitian ang asawa niya.“Kumusta? Ayos lang ba pakikipagkita mo sa kanila?” tanong ni Caleb. Masigla namang tumango si Caroline.“Oo naman, Aubrey is not mad at me. She also apologize. Alam mo ba love, gumaan yung dibdib ko. Alam mo yung parang nabunutan ka ng tinik? Ganun yung nararamdaman ko ngayon. Alam kong hindi pakitang tao yung ginawa ni Aubrey sa akin, I feel it, I feel that she’s sincere.” Tuwang-tuwang pagkwekwento ni Caroline dahil nakangiti pa ito. Natutuwa naman sa kaniya si Caleb. He is happy because his wife now has peace of mind.“You happy?” tumango-tango naman si Caroline na para bang isang bata. Napapangiti na lang si Caleb. “I’m glad that you’re happy.” Dagdag pa ni Caleb dahil sa tuwing nakikita niyang kinikilig sa tuwa ang asawa niya ay masaya na rin siya.Dumiretso na silang dalawa sa kulungan kung saan nakakulong si Emily. Nang mak

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   EPILOGUE 2

    Bago ang oras ng fireworks ay naghanap na sila kaagad ng magandang pwesto para makita rin ng kambal ang makulay na kalangitan. Magkahawak kamay silang mag-asawa habang nasa stroller pa rin ang kambal. Masaya ring nakangiti si Elsie dahil ngayon lang siya nakakapag-out of country.“It’s so beautiful,” usal ni Caroline habang namamanghang pinapanuod ang sunod-sunod na pagputok ng fireworks.“Mas maganda ka pa rin diyan love.” Wika ni Caleb.“Nambobola ka na naman.”“Hindi naman ako nambola kahit kailan sayo love.” Sagot naman niya. Napapangiti na lang si Caroline. Tahimik nilang pinanuod ang magagandang fireworks hanggang sa matapos ito. Nang tingnan nila ang kambal ay pareho nang nakatulog kaya hinayaan na lang nila ito.Masaya silang namasyal maghapon. Nang matapos ang fireworks ay bumalik na sila sa hotel para makapagpahinga dahil panibagong pasyal na naman kinabukasan.Nauna nang magshower si Caroline habang si Caleb ang nagbabantay sa kambal. Maaga ring nakatulog si Elsie dahil sa

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   EPILOGUE 1

    Napagdesisyunan nilang i-celebrate ang 6 months ng kambal sa Disneyland kasama si Kirsten, Elsie at Jasper. Matapos ang kasal ng mag-asawa ay umuwi na rin ng Pilipinas si Jasper dahil marami siyang trabaho na kailangan niyang gawin. Hindi na rin sila nagkita ni Kirsten simula noon. Bihira rin sila mag-usap sa cellphone dahil kay Jasper ibinigay lahat ng trabaho.Magkikita kita na lang sila sa Hong Kong. Madaldal at palatawa na rin ang kambal sa tuwing kinakausap ang mga ito. Maingay na rin sila kaya sila ang halos bumuboses sa loob ng bahay.“Bukas ng gabi tayo manunuod ng fireworks.” Wika ni Kirsten habang nakatingin siya sa listahan ng gagawin nila. Nasa hotel na sila at nagpapahinga. Sisimulan na rin nilang mamasyal pagkatapos nilang makapagpahinga at kumain.Nang matapos silang kumain ay dumiretso na sila sa lugar na pupuntahan nila. Tig isa ng stroller ang kambal kaya hindi sila nahihirapan na buhatin ang mga ito. Tuwang-tuwa rin ang kambal dahil marami na naman silang nakikita.

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 61.3

    Nang matapos ang kasal nila ay umuwi rin sila kaagad sa bahay nila. Nagbook ng hotel si Kirsten para sana sa unang gabi nila pero hindi na pumunta si Caroline at Caleb dahil hindi kaya ni Caroline na lumayo sa mga anak niya.Si Kirsten at Elsie ang nag-alaga sa mga bata at hinayaan na makapagpahinga ang mag-asawa. Hindi rin nila muna pinapunta ang mga magulang nila sa bahay nila kaya dumiretso ang mga ito sa hotel. Hindi pa sila close para papuntahin ang mga ito sa bahay nila.Napabuntong hininga naman si Zara nang makarating sila sa hotel. Kinuha niya ang cellphone niya sa bag niya saka niya tiningnan ang mga picture niya kasama ang kambal. Napapangiti na lang siya kapag nakikita niya ang picture ng kambal.“They are so adorable,” wika niya. Nagbibihis naman si Henry ng marinig niya yun.“Akala ko hindi mo na matatanggap ang mga apo mo kay Caleb.” Saad nito. Napabuntong hininga naman si Zara.“Akala ko kaya ko silang i-ignore pero hindi pala. Mas lamang pa rin ang dugo kesa tubig. Ng

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 61.2

    Inilibot ni Caroline ang mga mata niya. Ngayon pa lang niya makikita kung sino ang mga bisita nila. Nang maramdaman niyang may nakatitig sa kaniya ay tiningnan niya ito. Sumalubong naman sa kaniya ang mga mata ng ina ni Caleb. Alam niyang imbitado rin ito pero hindi niya akalain na pupunta ito lalo na at ibang babae ang gusto nito para kay Caleb. Bahagyang yumuko si Caroline saka niya iniwas ang paningin niya.Muli niyang tiningnan ang ibang bisita nila. Napatingin naman siya sa lumapit sa kaniya. Tipid siyang ngumiti ng makita niya ang kaniyang ama. Bahagya itong nakangiti sa kaniya, tila ba napakalungkot ng mga mata niya.“Congrats anak, masaya ako dahil may sarili ka ng pamilya ngayon. Ang dami kong pagkukulang sayo, ang dami kong kasalanan sayo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kung gaano ka kahalaga sa akin bilang anak ko. Naging bunga ka man ng isang pagkakamali pero sana alam mong minahal ko rin ang mama mo. Mali, hindi ko dapat sabihin na bunga ka ng isang pagkakamali dah

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status