Sa gilid ng paningin ni Clarissa, may dumaan na aninong pamilyar. Isang sulok ng coat—ang kulay, ang tiklop, ang hakbang—alam na alam niya.Si Joaquin?Bigla siyang napalingon, at hindi siya nagkamali. Sa kabila ng inaasahan niyang nakaalis na ito, nandoon pa rin siya—nakasilip sa likod ng haligi, nakamasid, at punung-puno ng galit ang mga mata.Halos kasabay ng pagkrus ng tingin nila, biglang sumugod si Joaquin mula sa kanyang pinagtataguan. Diretso ang lakad. Matigas ang mukha. Parang may sariling eksena pa siyang gustong isulat.Pero hindi umatras si Clarissa.Bagkus, isang mapait at malamig na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Hindi ngiti ng tuwa, kundi ng matinding panlilibak.“Well, well... look who decided to crawl back,” ani Clarissa, matinis ang tono ngunit kontrolado. “Isn’t this Mr. Joaquin Mendoza who ran out of the ballroom with his tail between his legs?”Kitang-kita niya kung paanong nagdilim ang mukha ni Joaquin.“Clarissa, you bitch!” sigaw ng lalaki, nangingi
Read more