VANILLA Sa loob ng grocery store, naging abala si Vanilla sa pamimili. Hangang sa maramdaman niya na may biglang kumalabit sa may tagiliran niya. Gulat siyang napalingon at mas lalo pa siyang nagulat nang sumalubong sa paningin niya ang mukha ng isang babeng kilalang kilala niya. 'Devi?" gulat niyang sambit. "Vanilla? Vanilla, ikaw nga! Sabi ko na nga ba eh...noong una, nag-alangan pa akong lapitan ka pero, God! Kumusta ka na?" nakangiting tanong nito sa kanya. Hindi niya naman mapigilan ang maluha. Sa matindi ng bugso ng damdamin, mahigpit niya itong niyakap. "Ayos lang. Ayos lang ako. Ikaw, si Janna, kumusta kayo?" nakangiting tanong niya dito at pagtapos ng ilang saglit, bumitaw din naman siya sa pagkakayakap dito. "Well, okay kami. Okay na okay kami. Grabe ka naman..,...nakakapagtampo ka naman eh. Saan ka ba nagpupunta? Bakit hindi ka nagpkita sa amin?" maluha-luhang tanong nito sa kanya. Pasimple niyang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata bago siya sumagot. "Mahaba
Last Updated : 2025-07-19 Read more