VANILLA "Ibig mong sabihin, nagsinungaling sa akin si Freya?" seryosong tanong ni Vanilla kay Zakari. Napansin niyang natigilan ito. Mula sa pagkakatunghay sa kanya sa bathtub, tumayo ito at seryosong tumitig sa kawalan "Sinabi ko naman sa iyo na ako lang ang paniwalaan mo diba? Lahat ng sinasabi ko, totoo! Never akong nagsinungaling sa iyo, Vanilla." seryoso nitong sagot sa kanya. "Pero--pero, may ipinakita siyang marriage contract. Sinabi niya sa akin na last month pa kayong naikasal, Zakari." seryosong sagot niya dito. Napansin niyang napatiim bagang ito. Ilang saglit siyang tinitigan bago malakas na napabuntong hininga. "Enough this topic. Tapusin mo na ang paliligo mo. Hindi ka pwedeng magbabad ng matagal sa tubig lalo na sa kalagayan mo ngayun." seryosong sagot nito sa kanya at mabilis na itong naglakad. Naiwan naman siyang naguguluhan. Kay bilis magbago ng emotions ni Zakari. Kanina, gusto siya nitong angkinin pero nang napag-usapan nila ang tungkol kay Freya, biglan
Last Updated : 2025-07-14 Read more