JANNA “GRABE ang view! Napakaganda!” mangha niyang bigkas. Pagkatapos nilang kumain kanina ng agahan, mabilis na din silang nagpaalam kay Lolo Lorenzo na mamasyal na. Nakarating sila sa pinakamataas ng bahagi ng hasyenda L. Razon at mula sa kanilang kinatatayuan, kitang kita niya ang buong paligid. Naglalakihang punong kahoy, malawak na lagoon, naglililparang mga ibon at tahimik na kapaligiran. Mga bagay na kahit sa panaginip, hindi niya akalain na nag-eexist. “Marami pang mga magagandang spot ang hasyenda na hindi pa natin nararating, Mahal. Wala pa tayo sa kalahati sa naikot natin.” Nakangiting wika nito. Kaagad namang nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat. Ang dami na nilang mga napuntahan na lugar pero wala pa pala sila sa kalahati? Grabe, ngayun niya lang napagtanto kung gaano pala talaga kayaman itong sila Gabby. “Talaga? Wala pa sa kalahati? Naku, kailan kaya natin maiikot ang buong hasyenda. At alam mo ba…siguro kung may bahay sa spot na ito, mas maganda! I mean, sa
Last Updated : 2025-09-06 Read more