LAURA AVANZADO (DARREN'S MOM) “Darren, ano ba? Ano na naman iyan?” galit na sita ni Mrs. Avanzado sa anak niyang si Darren. Paano ba naman kasi, nahuli niya na naman itong may bitbit ng alak. Kakagaling lang nila sa unit ni Janna at pagkauwi dito sa bahay, direcho ito sa wine bar ng bahay at kumuha ng isang bote ng hard liquor. “Mom, hayaan niyo na lang ako. Feeling ko, mas gusto ko pa yatang mamatay na lang kaysa naman sa tuluyan na akong talikuran ni Janna.” Seryoso niyang sagot dito. Hindi naman mapigilan ni Mrs. Lauran Avanzado na makaramdam ng awa sa anak niya. Habang pinagmamasdan niya ang anak niyang si Darren, ramdam niya din ang pagkadurog ng puso niya Paano ba humantong sa ganito ang lahat? Bakit parang napakahirap para sa anak niyang si Darren na kalimutan ang Janna na iyun gayung itinataboy na nga nito si Darren ng makailang ulit. “Si Janna na naman? Iho, maraming babae diyan. Bakit ba hindi mo na lang itoon ang buo mong attention sa iba? Not Janna. Hindi mo ba nari
Last Updated : 2025-09-12 Read more