“SIGURADO ka bang okay ka lang? Masakit pa rin ba ang----” “Love, ayos na ako. Don’t worry, hindi ako apektado sa pagsipa sa akin kanina ni Darren. Ang inaalala ko lang ngayun ay ikaw! Baka…baka patuloy ka niyang guguluhin.” putol ni Gabby sa sasabihin sana ni Janna sa kanya. Alam niyang nag-aalala ang dalaga para sa kanya pero deep inside, mas nag-aalala siya para dito. Sa nakikita niya kasi kanina, mukhang pursigido ang dati nitong nobyo na muling bawiin si Janna na siyang hindi niya din mapapyagan. She love Janna very much at ngayung nasa tabi niya na ang dalaga, hindi siya papayag na may aagaw nito sa kanya. Ipaglalaban niya ang kung ano man ang kanya hangang wakas. “Gabby, ayos lang ako. H’wag kang mag-aalala, kahit na ano ang gawin ng Darren na iyun, hindi na ako babalik sa kanya! Ikaw na ang gusto ko, ikaw na ang mahal ko.” Nakangiting sagot naman ni Janna kay GAbby. Hindi na din napigilan ni Gabby ang sarili niya at mahigpit niyang niyakap ang dalaga. Iyun lang nama
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-09-11 อ่านเพิ่มเติม