JANNA KAGAYA ng sinabi ni Vanilla, ipinakilala nga nito si Gabby kay Zakari na siyang labis niyang ikinatuwa. Kaagad na nagkasundo ang dalawa at dahil naiuwi sa usaping negosyo ang naging topic ng dalawa, hinayaan niya na. Para naman hindi ito ma-bored habang kasama siya. “So, kailan ang kasal niyong dalawa?” nanunudyo ang boses na tanong ni Devi sa kanya. Ongoing ang program at dahil silang dalawa lang yata ni Devi ang single sa party na ito, nandito sila sa isang sulok, abala sa pag-uusap. “Hmmp, anong wedding ang sinasabi mo diyan? Nasa period pa kami ni Gabby na kinikilala ang isa’t isa.” Nakangiting sagot niya dito,. “Hmmp, nasa getting to know each other pa kayo pero kung makakapit at makatitig siya sa iyo akala mo mawawala ka sa kanya eh. And best, look at him…kahit kausap niya si Zakari sa iyo pa rin siya nakatitig. Halatang patay na patay siya sa iyo kaya huwag mo nang pakawalan ang lalaking iyan. Alam kong magiging masaya ka na sa kanya dahil mahal na mahal ka niya.”
Last Updated : 2025-09-02 Read more