VENUS “Anak, kumusta ka diyan? Natangap namin ang padala mong pera. Salamat, anak.” Kasalukuyan siyan nandito sa dalampasigan. Kausap niya ang Nanay niya sa cellphone habang nakaharap siya sa malawak na karagatan. Si Darren, ayun, kausap din ng Mommy at Daddy nito na kakarating lang galing Manila. At dahil gusto niyang bigyan ng privacy ang mag-anak, nagpaalam muna siya na maglalakad-lakad muna. “Nanay, ayos lang po ako dito. Iyung ipinadala ko naman po sa inyong pera, gastusin niyo iyan ha? Mag grocey po kayo, bilihin niyo po lahat ng gusto niyo.” Nakangiti niyang wika. Kalahati ng buwan-buwan ng sweldo niya ang ipinapadala niya sa mga magulang niya. Ang kalahati, iniipon niya sa kanyang bank account para naman may pera din siya na magagamit kapag dumating sa punto na hindi na siya kailangan ni Darren “Naku, ikaw talagang bata ka. Siya nga pala, nakausap ko ang mga pinsan mo kahapon na sila Wendy at Denisa. Kinukumusta ka. Kailan ka daw uuwi dito sa atin?” hindi niya tuloy mapi
Last Updated : 2025-10-04 Read more