VENUS TAHIMIK niyang sinundan si Mr. Darren hangang sa makalabas ito ng Villa. Mukhang alam na nito ang pupuntahan nito. Patungo ito sa spot ng dalampasigan kung saan nila ito naabutan ni Madam Laura kagabi. Hindi niya mapigilan na mapatitig sa asul na karagatan na nasa harapan niya. Ang ganda pala talaga ng lugar na ito. Nandito sila sa isang Isla na walang ibang nakikita kundi ang mahabang puting-puti na buhangin at walang katapusang karagatan. Kaya lang, sa kabila nang magandang lugar, siyang sama ng ugali ng amo niya. Haysst, sana lang talaga makatagal siya sa trabaho niyang ito. Nilalakasan niya lang talaga ang loob niya eh. Kailangan niya ang trabahong ito para hindi na siya matahin ng mga pinsan niya. Tsaka, kung hindi niya kayanin ang ugali ni Mr. Darren, sayang din ang sweldo. Hindi na siya makakahanap ng trabaho na ganito kalaki ang sweldo tapos iisang pasyente lang ang aalagaan niya. “Nurse Venus?” nakatutok ang mga mata niya sa magandang tanawin na nasa harapan niy
Huling Na-update : 2025-09-26 Magbasa pa