VENUS "PRIVATE nurse? Stay-in? Anak…baka naman mahirapan ka niyan? Iba pa rin kung stay-out ka para alam mo ang oras ng pahinga mo.” Seryosong sagot ng nanay niya sa kanya! Buong lambing naman siyang kumapit sa braso nito “Nanay…okay lang naman po na stay-in ako. Tsaka, mas safe iyun dahil hindi ko kailangan bumiyahe araw-araw. Isa pa, nakasaad sa kontrata na kapag tulog daw ang alaga ko, pwede ko gawin lahat ng gusto ko.” Nakangiti niyang wika sabay abot sa nanay niya ang kontrata na pinirmahan niya kanina lang. Balak niyang iiwan ang kopya na iyun sa nanay niya para naman may paghahawakan ito “Diyos ko…seventy five thousand ang sahod mo, anak? Free foods, free toiletries at free accommodation kaya lang, saan itong Isla Avanzado?” kunot noong tanong ng Nanay niya sa kanya! Hindi niya naman mapigilan ang matawa. “Nakita niyo iyun, Nanay? Diba, ang laki ng offer? TApos libre lahat? Huwag po kayong mag-aalala, Nay. Nakasaad din po sa contract na may dalawang araw akong day off ev
Last Updated : 2025-09-21 Read more