VENUS POV “Salamat Kiko, Wendy. Naku, pati tuloy kayo naisturbo pa.” nakangiti kong wika sa dalawa kong pinsan. Marami kaming magpipnsan pero sadyang sila Kiko at Wendy lang ang masasabi kong medyo mabait. Ah meron din pala, si Gary, salesman sa nagta-trabaho sa isa sa pinakamalaking mall dito sa Manila. Naka-duty yata kaya wala ngayung dito “Naku, Venus, huwag mo na lang pansinin iyang sina Dana at Denisa. Ganiyan talaga ang mga iyan, masama minsan ang mga ugali. Hindi nga namin alam kung bakit malaki ang galit sa iyo ng pinsan nating iyun.” Wika naman ni Kiko sa akin “Hmp, hangang ngayun kasi, hindi pa rin nakaka-moved-on. Paano ba naman kasi, hindi siya crush ng cruhs niya at ako ang niligawan noong college pa kami.” Natatawa kong wika. Napahagalpak naman ng tawa si Wendy. Alam nito ang tungkol doon at may idea na ito sa bagay na iyun. May isang lalaki kasi noong college kami na gustong gusto ni Dana kaya lang, hindi siya type nito bagkos, ako ang palaging pinapansin at pin
Read more