VENUS POV “ALDRIN, who is he? Manliligaw mo ang lalaking iyun?” seryosong tanong sa akin ni Darren. Tulala tuloy akong napatingin dito. Paano ba naman kasi, biglang naging seryoso ang boses eh. Kung kanina, magaan ang atmospera sa pagitan naming dalawa, medyo bumigat yata noong nabangit ang pangalan ni Aldrin “Hindi ah? Workmate ko siya at kaya kami magkasama kanina kasi pareho naming breaktime.” Nakangiting sagot ko dito. “pero, even manligaw sa akin si Aldrin, siguro, ayos lang naman diba? Dalaga ako tsaka ang alam ko, single din si Aldrin. Pareho din kaming nurse at higit sa lahat, pareho kami ng ambisyon sa buhay. Pareho naming gustong magtrabaho sa ibang bansa pagdating ng araw.” Nakangiting dagdag ko pa. Kaya lang, hindi yata nagustuhan nitong si Darren ang mga sinabi ko dahil lalong nagsalubong ang kilay nito. Dagdagan pa ang biglang pamumula ng pisngi nito na labis kong ipinagtaka. “Ehemm, Darren, okay ka lang ba?” muling tanong ko dito. “Huh..ah, yeah, okay lang ako
Terakhir Diperbarui : 2025-12-02 Baca selengkapnya