DEVI POV "AYAW KO NANG PAG-USAPAN ANG TUNGKOL SA BAGAY NA IYUN. Matagal nang nangyari at nakalimutan ko na." malamig ang tono ng boses na wika ko kay Winston. Naramdaman ko ang mga kakaibang pagtitig niya sa akin ngayun. Pero, ako, deadma lang. Tumitig ako sa labas ng bintana kung saan, hindi ko na maalala itong daan na dinadaanan namin Labimpitong taon. Ganoon kabilis lumipas ang panahon pero ang sugat sa puso ay sariwa pa rin. "Devi, paano mo nagawang bigla na lang umalis?" muling wika ni Winston. Napabaling ang tingin ko sa kanya at sa kauna-unahang pagkakataon, doon ko nakita ang lungkot sa mga mata niya "Hmmp, para yatang nakalimutan mo na wala akong dugong Impreial at noon pa man, hindi na ako tangap ng mga Lolo at Lola mo." seryosong sagot ko sa kanya Gusto niya ng prankang pananalita, pwes pagbibigyan ko siya. Gusto niya nang katotohahan, sasabihin ko sa kanya. "Hindi ganoon iyun. Istrikta lang talaga ang mga abuelo at abuela ko pero hindi sila masamang tao." ser
Magbasa pa