DEVI POV “Nicholai po ang pangalan ko. Pero Nico na lang po ang itawag n'yo sa akin," sagot niya. Sa totoo lang, hindi ko inaasahang sasagot siya sa tanong ko. Mas lalong hindi ko inaasahang kusa siyang titigil sa pag-iyak. "Nicholai? Wow, nice name. You can call me Tita Devi. Kakarating ko lang galing Manila at wala pa akong gaanong kaibigan dito sa lugar ninyo. Nicholai, can you be my friend?" nakangiti kong tanong. Agad niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata. Sa pagkamangha ng lahat, kusa rin siyang tumayo mula sa malamig na sahig. "You're beautiful, Tita! Can you be my girlfriend instead?" seryoso niyang sagot. Hindi ko napigilang mapangiti. Kung hindi ako nagkakamali, pito o walong taong gulang pa lamang ang batang ito. At mukhang maaga yatang natutong mambola. "Sure. Pero kailangan mong maintindihan na ayaw ni Tita Devi ng iyaking bata at laging nagtatantrums," pabiro kong sagot. "Kaya lang naman ako umiyak kasi pinalo ako ni Mommy," pagsusumbong niy
Read more