DEVI POV "ATE!" tawag sa akin ni Febe. Nandito ako sa malawak ng harden ng bakuran ng bahay nila. Kanina pa palakad-lakad habang pilit kong tinitimbang ang sitwasyon ko ngayun Kanina, pagkatapos namin kumain ng lunch sa mansion Imperial, umuwi kami dito sa bahay na masama ang loob ni Mommy At hanggang sa nakarating kami dito sa bahay, hindi na talaga ako kinausap ni Mommy. Halatang masama talaga ang loob niya sa akin. At kaninang dinner time, hindi din siya sumabay sa pagkain sa amin. Nasa kwarto daw at gustong magpahinga. Mukhang malaki talaga ang tampo ni Mommy sa akin dahil sa mga nalaman niya at sa mga plano ko. Nagpahayag talaga siya ng matinding pagtutol tungkol sa plano kong mag volunteer sa isang organization Pero wala eh, last year pa akong naghintay tungkol sa resulta ng application na iyun at maaaring sa mga susunod na mga araw, lalabas na ang result Hindi pa naman sigurado na mapipili ako pero malaki ang tsansa na mapili ako. Lalo na at may karanasan na ak
Read more