CHAPTER 9: Father Jacc's BDSM Rules NATASHIA’S POV ISANG linggo na akong nasa loob lang ng bahay ni Father Jacc dito sa kaniyang private island. Wala akong ibang ginagawa kundi ang matulog, manuod ng movie, magbasa ng libro, at kumain. Bawal akong lumabas at gumamit ng cell phone o kahit na anong gadget. Wala rin naman dito iyon sa bahay niya. At kung tatakas man ako, marami namang CCTV at marami ring armadong lalaki ang nasa labas. In short, wala akong takas. Sa loob din ng isang linggo, wala siya. Wala rin siyang sinabi sa akin kung saan siya pupunta. Pero ang iniisip ko, may misa ang lalaking iyon. “Kung alam lang ng mga tao kung sino ang Father Jacc na tinitingala nila sa simbahan ay talagang mandidiri,” bulong ko sa aking sarili. Nandito pala ako ngayon sa kusina. Nagluluto ako kahit naman may taga-luto. Pero gusto kong magluto. Namiss ko rin naman iyon. “Ang sarap mong patayin, Father Jacc!” sabi ko habang hinahalo ang mga ingredient ng niluluto ko. Kailangan kon
Dernière mise à jour : 2025-07-04 Read More