Nagising ako dahil ramdam na ramdam ko ang lamig ng semento. Ang sakit ng katawan ko at medye nanlalabo ang aking mga mata sa kakaiyak.Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Alex na malamig ang tingin sa akin. Napaatras at nakaramdam ako ng takot."P-please, hindi ko sinasadya.. Huwag mo akong sasaktan..." Pakiusap ko at hinarang ang kamay ko sa aking mukha.Nakita ko naman ang gulat nito sa mga mata dahil sa naging reaksyon ko. Ito ba ang tinatawag nilang trauma? "Hey". Tawag nito pero nanginginig ako at siniksik ang sarili ko sa sulok."Please, pangako! Hindi ko na sya sasaktan! Hindi ko uulitin 'yon..." Anong nangyayari sa'kin? Bakit ako nagkakaganito?! Nagsilandasan ang mga luha ko."Fuck, anong drama na naman ito, huh?" Inis nyang sabi at lumapit sa'kin. Nataranta ako at mas lalong siniksik ang sarili ko sa sulok."Maawa ka, Alex! Pangako, lulugar na a-ako. H-huwag m-mo l-lang a-akong s-sasaktan. Pumipiyok ako at namamaos na rin ang boses ko
Terakhir Diperbarui : 2025-06-26 Baca selengkapnya