Third-Person POV
Nagising si Heart dahil sa tapik ng kanyang asawa sa kanyang mukha. Tinabig nito ang kamay ni Alex, na kinainis nito.
"FUCK HEART! GUMISING KANA AT DARATING SI APRIL!" Napabangon si Heart at sinubukang tumayo pero napahiga agad ito ng maramdaman nyang mahapdi ang kanyang pagkababae.
Hanggang sa bumalik sa kanyang alaala na ginahasa siya ng kanyang sariling asawa. Hindi napigilan ni Heart na ang mapahikbi, sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya.
"PWEDE BA HWAG KA NGANG MAG DRAMA DYAN! AT ITO ANG TANDAAN MO! WALA DAPAT NA MAKAALAM NITO." Tiim bagang nitong sigaw kay Heart na ngayon ay dahan-dahang tumayo habang nanginginig ang katawan nito.
"B-bakit m-mo g-ginawa y-yon?" Nanghihina nitong sabi na sapat lang na marinig ni Alex.
"Lasing lang ako at huwag kang assuming na may gusto ako sa iyo!" Malamig na tugon nito kay Heart at umiwas ng tingin. Ngumiti ng mapait si Heart at hindi pinansin ang luhang kanina pang lumalandas sa kanyang mukha.
"Y-you t-took m-my v-virginity, A-Alex.." Nanginginig nitong sabi. Tumingin si Alex sa kanya ng walang emosyon.
"It's just nothing, Heart! No love, just LUST." Malamig nitong tugon na kinapako ni Heart sa kanyang kinatatayuan.
"You're such a jerk!" Sigaw nito, at kahit mahapdi at hindi siya masyadong makapaglakad ng maayos, ay nagawa niyang makapunta sa banyo, at doon niya nilabas lahat ng sakit na nadarama niya.
'Fuck! Bakit ko nga ba ginawa 'yo kagabi'? Usal ni Alex sa kanyang isip at sinabunutan ang sarili niya.
Hindi siya mapakali, mas lalong kumabog ang kanyang dibdib ng makita niya ang blood stain sa puting bedsheet ni Heart. Hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya habang tinitignan ang banyong pinasukan ni Heart.
"Damn, Alex! Naawa ka lang sa kanya at si April lang ang mahal mo." Kumbinsi nitong sabi at naglakad sa loob ng kwarto ni Heart na parang baliw.
'Bakit kumabog ng malakas ang dibdib ko? Ganito din ang nararamdaman ko kay April noon'.
"Urrgg." Inis nitong sabi at lumabas ng kwarto ni Heart. Nagulat pa ito nang makita kung sino ang babaeng prenteng nakaupo sa mahabang sofa.
At halos makita ang kaluluwa nito dahil sa suot nitong red tube dress at labas pa ang cleavage nito at kunting bukaka nya lang ay makita na ang panty nito.
'Bakit parang nandidiri ako kay April?'. Usal ni Alex sa kanyang isip at napahawak sa kanyang dibdib dahil hindi ito tumitibok kagaya ng kay Heart kanina.
"Hey, babe! Mukhang hinuhuburan mo ako sa isip mo, ah!" Malanding sabi ni April at kinagat ang pang-babang labi nito.
Napangiwi naman si Alex dahil sa sinabi ni April. Para siyang naiinis na ewan.
"Kumain ka na ba, babe?" Tanong nito. Nabigla naman si April, pero hindi niya ito pinapahalata dahil sa walang gana nitong sabi.
"Babe, are you okay?" Malanding tanong ni April at hinila ang kamay si Alex paupo sa sofa at kumandong sa kanya.
"Hey, bitch, cook for me. I'm already hungry." Sigaw ni April kay Heart na bumaba na at bagong ligo.
Napalunok at kumabog ng malakas ang dibdib ni Alex ng marinig niya ang sinabi ni April sa kanyang asawa.
"Why me? You're free to cook, and I'm not your maid." Nabigla naman si April, kahit na si Alex. Pakiramdam tuloy ni Alex parang masaya sya dahil sa sagot ni Heart.
'Hindi pwede! Mali ito! Naawa lang ako sa kanya at baka nakonsensya lang ako. Mahal ko si April at sya lang yon'.
"COOK FOR US, HEART." Sigaw ni Alex na kinagulat at atras ni Heart. Ngumisi naman si April na parang nanalo siya sa isang lotto.
"Bakit? Hindi ba marunong magluto ang MAHAL mo, Alex? At para sabihin ko sayo, hindi niyo ako KATULONG dito, Alex. ASAWA mo ako." Sigaw ni Heart. Buong buhay niya ngayon lang siya sumigaw ng ganito. Siguro nga pagod na sya at punong puno na at hindi nya na kaya pang dibdibin ang lahat ng sakit.
Tumayo si Alex at nagtungo kay Heart, itinaas ni Alex ang kanyang kamay at akmang sasampalin niya ito nang magsalita si Heart, na ngayon ay sunod-sunod ang kanyang luha.
"SIGE SAKTAN MO AKO, ALEX. TOTAL DYAN KA NAMAN MASAYA, 'DI BA? ANG SAKTAN AKO! NI HINDI M-MO N-NGA A-AKO N-NIRESPETO, EH! S-SANA R-RESPITUHIN M-MO A-AKO H-HINDI B-BILANG A-ASAWA M-MO K-KUNDI B-BILANG B-BABAE." Sigaw nito at pumiyok. Umupo ito sa sofa at nanghihina na tila nilabas nya na lahat ng pananakit nya sa kanyang damdamin.
Natutod si Alex sa kanyang kinatatayuan. Gusto niyang itong yakapin at punasan ang mga luha nitong walang tigil sa paglandas sa kanyang pisnge.
"Tsk. Drama queen. Wala ka nang magagawa pa, heart! Permahan muna ang annulment paper nyo ni Alex dahil ayaw kong lumaki ang anak kung BASTARDO." Nagulat at napaangat ng tingin si Heart dahil sa kanyang narinig.
Nakakunot naman ang noo ni Alex dahil kahit kailan man ay gumagamit siya ng condom kapag may nangyari sa kanila.
"H-hey, you're joking." Mahinang bulong ni Alex na sapat lang na marinig ni April. Samantalang si Heart ay nag-echo sa kanyang isip ang sinabi ng kanyang kabit.
"Hehe, don't worry! Trust me, maging malaya na rin tayo." Malambing na sabi ni April Kay Alex na ngayon ay hindi alam kung ano ang nararamdaman niya.
Natutuwa siya na galit. Galit sya na malungkot dahil sa wakas maging malaya na sya at mapapa sa kanya na ang taong mamahalin nya. Pero may part sa kanya na parang ayaw niyang ituloy ang plano ni April.
"H-hindi t-totoo 'y-yan..." Namamaos na sabi ni Heart at nanginginig ang buong kalamnan nito.
Tinignan ni Alex si Heart na umiiling at nanginginig. Umiiyak rin ito at namamaga na ang kanyang mga singkit na mata.
"I'm pregnant, Heart! Sana naman huwag mong ipagkait sakin na kailangan ng anak ko ang ama nya." Umiiyak na sabi ni April, pero lahat ng 'yon ay puno lang ng pag sisinungaling.
'Huwag kang selfish Heart! Papano ang inosenteng nadadamay sa walang kahiyang ginawa ng asawa mo at ang kabit nito?
Humihiling siya sa kanyang sinabi sa kanyang isip. Tumingin siya kay Alex pero umiwas lang ito ng tingin.
Kinuyom ni Heart ang kanyang mga kamay at hinawakan ang kamay ni Alex na nanginginig.
"She's right, Heart. She's pregnant." Walang emosyong sabi ni Alex at tinanggal ang kamay ni Heart.
"Let's go, babe! Gutom na si baby." Sabi ni April at hinila si Alex palabas ng bahay.
Nakatulalang umiiyak si Heart sa loob ng bahay at umakyat ito sa kanyang kwarto.
'She's pregnant.'
'She's pregnant.'
'She's pregnant.'
Sinabunutan nito ang sarili at nagwawala sa loob ng kwarto niya.
"Ahhh! Bakit nyo ginawa sa akin ito, bakit?!" Namamaos nitong sabi at sumandal sa pintuan na parang isang lantang gulay.
"Ayaw ko na! Sumusuko na ako, Alex!" Napatawa ito ng mapakla at kinuha ang annulment paper at walang alinlangan nitong pinirmahan.
Kinuha niya ang singsing at nilagay sa loob ng envelope kung saan nandoon ang annulment paper.
'Wala na tayo, Alex," saad nito sa kanyang sarili at pumiyok. Iyak lang sya ng iyak sa loob ng kwarto hanggang sa hindi nya namalayang nakatulog na pala ito dahil sa pagod.
On Thu, Jun 26, 2025, 2:23 PM John Rey
wrote: Nagising ako dahil ramdam na ramdam ko ang lamig ng semento. Ang sakit ng katawan ko at medye nanlalabo ang aking mga mata sa kakaiyak. Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Alex na malamig ang tingin sa akin. Napaatras at nakaramdam ako ng takot. "P-please, hindi ko sinasadya.. Huwag mo akong sasaktan..." Pakiusap ko at hinarang ang kamay ko sa aking mukha. Nakita ko naman ang gulat nito sa mga mata dahil sa naging reaksyon ko. Ito ba ang tinatawag nilang trauma? "Hey". Tawag nito pero nanginginig ako at siniksik ang sarili ko sa sulok. "Please, pangako! Hindi ko na sya sasaktan! Hindi ko uulitin 'yon..." Anong nangyayari sa'kin? Bakit ako nagkakaganito?! Nagsilandasan ang mga luha ko. "Fuck, anong drama na naman ito, huh?" Inis nyang sabi at lumapit sa'kin. Nataranta ako at mas lalong siniksik ang sarili ko sa sulok. "Maawa ka, Alex! Pangako, lulugar na a-ako. H-huwag m-mo l-lang a-akong s-sasaktan. Pumipiyok ako at namamaos na rin ang boses ko. Nilalamig ako at sumasakit ang ulo ko. I feel so dizzy. Gusto kong matulog, gusto kong magpahinga, pero alam kong sasaktan lang ako ni Alex. "Damn, Heart! Listen to me! Stop crying!" Hindi ko alam kung isang panaginip ang narinig kong boses kay Alex. Galit siya ngunit punong-puno ng pag-aalala ang boses niya kahit malamig ito. Naramdam ko ang init ng mga kamay niya nang haplusin nito ang buhok ko. "H-huwag m-mo a-akong s-saktan, p-pakiusap..." Huling sabi ko bago ako tuluyang nawalan ng malay. _________ Nagising ako dahil sa ingay sa loob ng kwarto ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang sarili kong nakasuot ng pajama at puting t-shirt. Sino ang nagdala sa akin dito? Sino ang nagbihis sa'kin? "Don't tell me you like her na." Pinanatili kong nakapikit ang mga mata ko at nagtulog-tulugan nang marinig ko ang boses ni April sa loob ng kwarto. Gusto nga ba ako ni Alex? Sana naman oo dahil alam kong concern siya sa akin kanina. Gusto kong marinig ang sagot. Napalunok ako at hinintay ang sagot niya pero hindi ko mapigilang mapaiyak kahit tulog ako dahil sa sagot niya. "Of course not! You know, babe, ikaw lang ang mahal ko. Besides, she's just my maid after all." Gusto kong tumakbo palayo pero hindi kaya ng katawan ko. Ramdam na ramdam ko rin ang pag-init ng katawan ko. Nilalagnat ako. "Then bakit ka nag-aalala sa kanya kanina?!" Alam kong naiinis na si April dahil sa tanong nito. Nag-aalala sakin si Alex? Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa malamang dahilan. Pero nawala din yon ng marinig ko ang sinabi nya. "Alam mo naman ang pamilya niya, babe! Masyadong protektibo sa nag-iisang prinsesa nila." Sagot nito! Tumagilid ako ng higa at doon tuluyang umiyak. Kamusta na kaya si Mom at Dad? Paano kapag nalaman nila ang nangyari sa akin? Siguradong kukunin nila ako kay Alex. Hindi pwede! Hindi pwedeng malaman nila ang naging sitwasyon ko sa piling ng taong mahal ko. "Mabuti nalang! At isa pa, 20 na sya at hindi muna sya kailangan pang alagaan." Napapikit ako nang mariin at napakuyom ang kamao ko. Gusto ko syang sampalin o ihulog sa pool para matauhan sya na may asawa na ang lalaking nilalandi nya. Kung sabagay! Asawa ba ang turing niya sa akin?Napangiti nalang ako ng mapait. "Nagseselos ka lang at saka huwag kang mag aalala, sayo lang ako." Sabi ng asawa ko. Sumilip ako at sana hindi ko nalang ginawa. Napahawak ako sa dibdib ko at tuluyang tahimik na nalahagulhol nang makita ko ang paghahalikan nila mismo dito sa loob ng kwarto ko. 'Pwede ba, Alex, doon naman kayo sa labas? Nasasaktan na ako.' Gusto ko 'yang isigaw pero wala akong lakas na loob na gawin 'yan dahil ayaw kong ito pa ang sanhi ng pag-aaway namin at maging dahilan ng paghihiwalayan namin. Ayaw ko. Hindi ko 'yon kaya. Narinig ko ang pintong nagsara. Kaya dali-dali akong tumayo kahit masama ang pakiramdam ko. Ni-lock ko ang pinto at niyakap ang tuhod ko at umiyak. 'Kaya mo yan, Heart. Kunting tiis nalang.' Pagkukumbinsi ko sa aking sarili bago umikot ang paningin ko. Dahil siguro sa lagnat ko. Dahan-dahan akong tumayo at tuluyang bumagsak sa kama ko at nakatulog. April's POV Ang sarap tignan na makita syang nasasaktan. Ganyan nga masaktan ka! Gagawin ko ang lahat masira lang kayo, at sa oras na 'yon saka ko na ipakita ang totoong ako. Hahaha, kawawa ka naman! Tanga ka kasi, at sa oras na mawala ka na sa landas namin ay saka ko rin sasaktan ang lalaking pinakamamahal mo. Nagising ako dahil kumukulo na ang sikmura ko dahil sa nagugutom ako. Tumingin ako sa orasan at alas sais na pala ng gabi. Dahan-dahan akong tumayo at hindi ininda ang sakit ng ulo ko pati na rin ang pagkahilo ko. Bumaba ako ng hagdanan pero walang Alex ang nasa bahay. Hindi ko naman napigilan ang luha ko dahil sa mga naalala ko kanina. 'Pwede ba, Heart, kumain ka nalang?' Usal ko sa isip kaya pumunta ako ng kusina. Uminom ako ng tubig at tinignan ang ref. May pagkain na luto na pero malamig na ito. Halatang kaninang umaga pa naluto. Pero ang pagkakaalam ko, hindi ako nakapagluto kanina dahil nawalan ako ng malay. Merong chicken adobo at sinabawang isda. Dahil sa gutom ako ay kinain ko na ang pagkain. Alam kong hindi na 'yon uuwi dito dahil kasama niya si April.