Nakaupo ako sa salas habang nakatingin sa TV, pero ang ulirat ko, wala sa pinanonood ko."Canada, nahi-hypnotize ka na ba ng pinanonood mo?" biglang tanong ni tita Rama kaya napatingin ako sa direksyon niya."Hindi po. Iniisip ko lang po kasi kung paano ko pagkikitain yung magkapatid, e," sagot ko kay tita Rama."Magkapatid? Sinong magkapatid?" tanong pa niya."Sina Richard at Julian po," sagot ko. Naupo si tita sa tabi ko habang nakakunot ang noo niya."May kapatid si Richard?" hindi pa niya makapaniwalang tanong kaya tumango ako. "Teka, bakit naman namomroblema ka kung paano sila pagkikitain? Magkagalit ba sila?""Hindi po... siguro? Kasi matagal na pong hindi nakita ni Richard ang mommy niya, unfortunately, patay na ang mommy niya. So, I decided to find his sibling at nakita ko na yung Julian Pallicetti ang half-brother niya, kaya sila po ang pagkikitain ko," paliwanag ko kay tita, habang siya ay dahan-dahang tumatango."Mag-set ng isang private place para magkita sila. Pwedeng sa
Terakhir Diperbarui : 2025-12-13 Baca selengkapnya