Tinulungan ko si Karen na maghain ng foods para sa 'min. Nilapag namin 'yon sa isang mesa para makakain, makakanta at makapagkwentuhan kaming lahat sa isa't isa."Hindi mo pala sinabi na imbitado pala ang amo ni Mathia. Sana, nakapag-ayos man lang ako," dinig kong sabi ni Charlie kay Karen bago siya uminom ng alak."Ano ka ba? Ang ayos mo kayang tignan," sagot naman ni Karen, habang ako ay nagbibitiw ng tipid na pagkakangiti."Tsk! Maayos ba 'to? E hindi naman ako mayaman 'di gaya niyan. Sana, mayaman na lang din ako," sagot ni Charlie.Medyo nakakaramdam ako ng off sa kilos at pananalita niya pero sinawalang bahala ko na lang 'yon. Patuloy sa pagkakantahan sina Von at Aileen, habang si Draken ay tahimik."Karen, kumusta nga pala? Pasensya ka na kung wala akong update, ha? Medyo busy lang kasi sa trabaho e," sabi ko rito."Ano ka ba? Wala 'yon. Alam mo, Mathia, maganda na sa tinatrabahuhan ko ngayon. Sa isang bakeshop. Nakakatuwa nga e, buti at napasok ako ro'n kasi hilig ko rin ang p
Terakhir Diperbarui : 2025-08-06 Baca selengkapnya