Tahimik kaming lahat sa loob ng opisina dahil sa panenermon ni ma'am Sofia sa grupo nina Lovely. Dahil sa nangyari, pinapauwi na kami ni ma'am Sofia pero ang kalahati ng araw na papasukin nina Lovely sa araw na 'to ay mapupunta sa 'min bilang parusa."Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong ni ma'am Sofia. Sumagot naman sina Lovely habang hindi makatingin nang diretso kay ma'am. "Trainees, magsiuwi na muna kayo. Bukas na ulit kayo pumasok," sabi naman ni ma'am sa 'min."Opo, ma'am," sagot naman namin bago kami lumabas. Akmang hahabol pa ng pagdila si Aileen kina Lovely pero marahan ko siyang tinulak palabas.Dahil sa nangyari ay nag-out na kaming tatlo. Inis pang bumubulong-bulong si Aileen habang kinukuha ang gamit sa locker."Aileen, hayaan mo na. Pinarusahan na e," mahinahon kong sabi rito."Hindi. Kung ako lang? Baka sinuntok ko mukha nila kanina. Buti nga e, hinawakan ako ni Von kaya napigilan ko," saad ni Aileen."Hindi nga kita hinawakan. Nasagi lang no'ng tumayo ako," sagot naman n
Huling Na-update : 2025-07-22 Magbasa pa