Nang makaalis si Coney ay tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Humarap ako kay Andrade at akmang hahaplusin ang kaniyang pisngi, ngunit bigla naman niyang iniwas ang kaniyang mukha."Why did you lie to me?" tanong niya habang nakatingin sa ibang gawi."H-Hindi ko naman gustong ilihim sa 'yo 'to habang buhay e. N-Naghahanap lang ako ng magandang tyempo. A-Ayokong saktan ka, Andrade," paliwanag ko. Napangisi siya sa 'kin."So it really means na ginamit mo lang ako.""H-Hindi naman sa gano'n," pagtanggi ko, ngunit nang titigan niya ako sa mga mata ay bumalik ang aking konsensya. "O-Oo, ginamit kita... noon. G-Ginawa ko 'yon para pagselosin si J-Julian at pabagsakin siya, p-pero nauwi ang lahat sa wala. Sinayang ko ang kaunting panahon sa buhay ko p-para maghiganti. G-Gusto ko lang namang maranasan niya ang g-ginawa niya sa 'kin noon e," paliwanag ko pa sa kaniya.Hindi umimik si Andrade, sa halip ay nakatingin lang siya sa 'kin."Julian never loved me, p-pero ginagawa ko pa rin ang
Read more