Kabado ako at hindi ko alam kung bakit. Ito na ang araw ng pamamanhikan ni Draken at ng pamilya niya.Nakahanda na ako. Naka-dress ako at sandals. Nagbihis din nang maayos sina mama, Madrid at Matthew. Ang kapatid ko, um-absent sa work para dito."Sigurado na sisipot sila, a? Baka maulit na naman e," saad ng kapatid ko habang nasa salas na kami."Oo, darating sila. Maghintay lang tayo," sagot ko naman."Mama, are we going to see papa and his family now? We can be with them na po?" tanong naman ng anak ko."Yes, anak. Luzevia and Tierro are going to be one now," sagot ko naman. Ngumiti nang malapad si Madrid sa tuwa at napapalakpak.Maya-maya, narinig namin ang pag-park ng sasakyan mula sa labas. Sinilip ni mama 'yon at sinenyasan kami na nandito na sila. Ito na naman ang nararamdaman ko, magkahalong tuwa at kaba.Binuksan ni mama ang pinto at maya-maya lamang ay bumungad ang pamilya Luzevia."Good afternoon, Mrs. Tierro," pagbati ng dad ni Draken."Good afternoon. Welcome," sabi naman
Terakhir Diperbarui : 2025-08-18 Baca selengkapnya