Seraphina's POV Tumingin ako sa kanya. “At kasama ako sa pagtakas mo?” “Siguro,” ngiti niya. “O baka ikaw yung dahilan.” Hindi ko na alam ang isasagot, kaya tumingin na lang ako sa labas. Pero ramdam ko ang kakaibang kabog ng puso ko. -------- Pagkatapos ng ilang rides pa sa amusement park, nagyaya siyang kumain. Hindi sa mamahaling restaurant, hindi sa lugar na may chandeliers at violins — kundi sa isang maliit na food stall lang. Burger at fries lang ang binili namin. Walang arte, walang pormalidad. Habang kumakain, nagkuwentuhan kami tungkol sa kabataan, mga kalokohan, at kung paano niya minsan muntik masunog ang kilay niya dahil sa paputok noong New Year. Napahalakhak ako, at hindi ko na maalala ang huling beses na ganito ako tumawa nang walang takot, nang walang iniisip na problema. Pag-uwi, tahimik lang kami sa kotse. Pero iba na ang tahimik na iyon — hindi na mabigat, hindi na awkward. Kundi isang uri ng katahimikan na komportable, parang may kasunduan ang aming mg
Last Updated : 2025-08-17 Read more