Fordy's POVIsang oras ang lumipas, hindi pa rin ako mapakali. Nakailang pagkain na kami upang hindi kami antukin. Ito ang oras na kailangan naming maging aktibo lahat dahil kung hindi, mawawala ang lahat ng sakripisyo namin kanina.Nasa loob kami ng sasakyan, nakabukas ang laptop na konektado sa feed ng NBI analysts. May pulang linya sa digital map ng Maynila — ruta ng tricycle.“Fordy,” sabi ng analyst mula sa kabilang linya, “we traced it moving from Amelia Street to Juan Luna Avenue, then turned into Del Pan Bridge. After that… dead end.”Napatigil ako. “Dead end? Anong ibig mong sabihin?”“Walang CCTV coverage sa area na iyon. Tinatawag naming blind spot. Kapag may grupong sanay sa surveillance evasion, doon talaga sila dadaan. Wala kaming makuhang kasunod na footage.”Napatingin ako sa mapa, pinag-aralan ang lugar. Alam kong hindi aksidente ang ruta. Sa dami ng kalsada sa Maynila, bakit doon pa?“Sir,” singit ng isang tauhan namin sa earpiece. “Na-check ko yung paligid. Malapit
Terakhir Diperbarui : 2025-09-30 Baca selengkapnya