Allen's POVPagkalabas ni sir Cayden, para bang saka lang muluwag ang hangin sa conference room. Kanina, bawat hininga’y mabigat, bawat tik-tak ng orasan ay parang martilyo. Ngayon, kahit wala na siya, nakabibingi pa rin ang katahimikan—parang iniwan niya ang bigat ng boses niya na nakasabit pa rin sa bawat sulok ng silid.Isa-isang nag-ayos ng gamit ang mga board members. May nagmamadaling tumayo, halatang gustong makalabas agad, para bang ang pagtambay ng kahit isang minuto pa sa kwartong ito ay kasalanang hindi nila kayang akuin. Ang iba nama’y hindi mapigilan ang bulungan, mahina ngunit mapanganib, parang mga sibat na binibitawan ng mga duwag.Narinig ko ang mahinang boses ni Director Santos, isang payat at baluktot na matanda na laging nasa gitna ng lahat ng diskusyon. “Dictatorship daw…” aniya habang nakasandal sa upuan, parang hindi makapaniwala. “He’s not wrong… but neither is sir Cayden. Kung hindi dahil sa kanya, wala na tayong hawak na kumpanya ngayon.”“Still…” sagot ni Ms
Last Updated : 2025-09-14 Read more