Seraphina's POV"500 thousand? Wala bang mas maliit dyan sa ointment na yan?" gulat na gulat kong wika sa kanya. Tumingin ako sa baril na tinetest na ni tito, yung ointment nga na ito ganito na kalaki ang halaga. Ano pa kaya iyong baril na latest nilang gamit."Meron naman ma'am, 250." wika niya sabay kuha ng isa pang mas maliit na ointment. Parang sinampal naman ako ng kahirapan dito sa store na ito. Kinalabit ko si tita saka binulungan."Tita, baka hindi umabot ang pera ko dito. Iyan nga half million na. Iyong baril pa kaya?" tanong ko agad sa kanya. Tumawa lang si tita sa akin."Iha, ang pera ni Cayden ay pera mo na. Ano ka ba. Saka iyang card na hawak mo, no limit iyan. Hindi ba yan ang pay leave mo sa kanya?" tanong niya agad sa akin. Nag-alinlangan akong tumango sa kanya."May I see the card, ma'am?" tanong naman sa akin ni Dominic. Kinuha ko ang card sa aking bulsa saka pinakita sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata saka ngumiti sa akin."Wala ka naman palang dapat na ipag-ala
Terakhir Diperbarui : 2025-10-19 Baca selengkapnya