"Ms. Jaira, mabuti at natutunan ninyong magluto ng egg. Alam ko na simpleng pagkain lamang iyan at madaling iluto. Pero sa isang tulad mo na lumaking may gintong kutsara sa bibig aya malaking bagayna iyang nagaw mo." Ngumiti si Jaira kay Jessa kahit may kasamang panlalait o panghuhusga ang puri nito sa kaniya. "Salamat pero hindi lang itlog ang alam kong lutuins siya upang alisin ang pagkaasar na nadarama. "Alam ko po na gusto mong magpa impress kay Arthur, pero hindi mo kailangang pahirapan ang iyong sarili. Hayaan mong ako na ang magluto mamaya —" "Ang pagluluto ay hindi dapat kapaguran lalo na kung ang kakain ay mahal mo." Nakangiting putol ni Jaira sa iba pang nais sabihin ng babae. Pilit na ngumiti si Jessa at naka good points na naman ang babae sa pandinig ni Arthur. Nang mapatingin sa dried fish ay muling sumigla ang pakiramdam. "Hindi ka lang dapat marunong magluto para sa mahal mo, Ms. Jaira, dapat kaya mo ring magtiis at kainin ang kung ano lang ang kaya niyang ihain sa
Last Updated : 2025-10-05 Read more