"Hello po, my name is Rizza. Nabalitaan ko po na kayo ang nag-aalaga at asikaso kay Arthur kaya nagpapasalamat po ako sa inyo." Nagulat si Jade at nagsalita ng tagalog ang dalaga. Ang akala niya ay dayuhan lang ito. Ngunit tulad ni Dalia ay mataas rin magsalita ng tagalog ang babae. Pagtingin niya sa anak ay mukhang hindi ito natutuwa sa presensya ni Rizza. Tumikhim siya at ngumiti sa anak bago nagsalita. "Dalia, this is my daughter."Napatingin si Dalia sa dalaga at pinag aralana ang kilos nito lalo na kung paano tingnan ang anak niyang natutulog. Ngunit mukhang ayaw nitong tingnan ang anak niya sa hindi malamang dahilan. Hindi katulad ng babaeng naabutan niya sa silid at ang pangalan ay Jessa."Hello po, my name is Jaira, ikinagagalak ko po kayong makilala." Pakilala na ni Jaira sa sarili at ngumiti sa ginang. Nang ngumiti rin ito sa kaniya ay nakahinga siya nang maluwag kahit papaano. "Same here, hija. Salamat sa pamilya ninyo at naging parte kayo ng buhay ng aking anak."Gusto s
Last Updated : 2025-10-12 Read more