"Jaira, are you ok? Please hold on, ilalabas kita diyan." Kausap ni Terence sa pinsan habang patuloy na hinihila ang pinto ng sasakyan at tumulong na rin sina Zandro at iba pang naroon.Ilang sandali pa ay dumating na rin ang ambulansya. Tama lang din na nabuksan nila Terence ang sasakyan at agad na bumungad ang walang malay na dalaga at duguan ang ulo.Nanginig ang mga kamay ni Terence habang hawak ang ulo ang ng pinsan. "Please, where's the paramedic?" lumuluha na sigaw ni Terence."Bro, nandito na sila, bigyan muna natin sila ng daan upang makuha ang pinsan mo." Hinila na ni Zandro ang kaibigan palayo sa pinto ng sasakyan.. Pakiramdam ni Terence ay namanhid ang buo niyang katawan at hindi makapag isip ng maayos nang makitang inilalabas na ang katawan ni Jaira. Sobra siyang natakot dahil hindi gumagalaw ang pinsan at duguan ito. Nang makitang isinasakay na ito sa sasakyan ay mabilis siyang lumapit. "Pinsan niya po ako." Pakilala niya sa staff."Sakay na po kayo, sir."Nagpasalamat
Last Updated : 2025-10-18 Read more