"Magdahan dahan ka sa iyong pananalita dahil wala kang ebedensya sa paratang mong iyan kay Charlene!" Nanggigil na sita ni Jude kay Lucy."Anong wala? Marami ang nakakita nang agawan niya ng bulaklak ang kababaihan sa reception kahit hindi siya kasali sa sasalo ng bouquet!" angil ni Lucy sa binata."Sobrang judgemental ka, pakipag agawan na pala ang napadaan ka sa likod at doon bumagsak sa kaniya ang bouquet?" Sarkastikong ani Jude sa babae."Tama si Jude dahil naroon din ako at nakita ang nangyari." Segunda ng isa sa babaeng naroon."Mukhang napahiya si Lucy at wala na siyang kakampi. Sinamaan niya ng tingin ang babaeng nagsalita at pinarating dito na humanda ito."Gosh, destiny ang tawav sa ganoon!" Kinikilig na bulalas ng isa sa babaeng kalapit ni Charlene. Sumang ayon ang iba pa at kinilig din, pero biglang natigilan nang magsalita si Lucy."Sige ituloy ninyo ang kahibangan ng imagination ninyo. Kapag narinig kayo ng fiancee ni Mr. CEO ay tignan ko lang kung kiligin pa kayo!" Ang
Last Updated : 2026-02-10 Read more