"Babe, late na ba ako?" Napasimangot si Akira nang makita si Cynthia at malayo pa lang ay tawag na ang kapatid niya. Napatingin ang lahat ng naroon dito at nagmamadali pang lumapit sa kinaroonan nila.Nangunot ang noo ni Terence nang makita ang nobya. Hindi niya alam na sumusunod ito sa kaniya. Pagtingin niya sa kapatid ay nagtatanong ang tinging ipinukol nito sa kaniya. Pero kahit sabihin niya dito na hindi niya inimbita si Cynthia ay hindi ito maniwala sa kaniya."Oh sorry, hindi ko alam na may iba pang kasama bukod sa kapatid mo at kaibigan." Apologetic na ani Cynthia pagkatingin ni Charlene. Binigyan niya rin ito ng makahulugang tingin na umalis ito sa kina upuan dahil siya ang dapat na katabi ni Terence. "No, please stay." Pigil ni Akira sa nais gawin ni Charlene. "Its ok, Akira, diyan na ako sa tabi mo uupo." Ngumiti si Charlene sa dalaga."No, ang ayaw ko sa lahat ay nasisira ang set up na ginawa ko. She's not invited here at ang dinner na ito ay para sa iyo kaya hindi ikaw
Read more