Share

Book 3: Chapter 56

Author: Yeiron Jee
last update publish date: 2026-05-02 22:40:57

Napipilan si Cynthia at may punto ang binata. "Pero hindi totoo na ako ang nagtambak ng trabaho sa kaniya ngayon!"

"Huwag mong idahilan na dahil sa selos kaya ginagawa mo ito sa kaniya?"

Lalo lamang napipilan si Cynthia, parang hindi narinig ng binata ang sinabi niya kanina upang linisin ang pangalan niya.

"Sa pagkatanda ko ay magkaibigan kayo noon at ang tungkol sa nakaraan namin ay labas ka na doon kaya huwag mo siya dapat ginaganito."

"Masisi mo ba ako kung bakit ako nagseselos?" Masama an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (15)
goodnovel comment avatar
Nieves Asuncion Villa
excited nako magkabalikan Sila author at Malaman na virgin pa si Charleen at Ang story ni Jude at Akira author mas bagay sila
goodnovel comment avatar
arkrey arkrey
panget na magbasa..napakabagal ng story nakaboring lang
goodnovel comment avatar
aira
tanga tlga to c Terrence CEO pa nmn ahhh
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 58

    Alam ni Cynthia kung kaninong pad ang pinuntahan ng nobyo. Kahit papaano ay napanatag ang kalooban niya at mali ang iniisip kanina. Mas ok na kaibigan nito ang kasama kaysa ang kapatid na alam niyang kasama si Charlene ngayon. Pinalipas niya lang ang ilang minuto bago nagpasyang bumalik sa sariling sasakyan. Ngunit bago pa niya mapaandar ang makina ng sasakyan ay nakita niya ang paglabas ni Terence sa naturang building. Nangunot ang noo niya at mukhang nagmamadali pa ito sa pag alis. Agad niyang sinundan ito nang umalis na sakay ang sarili nitong kotse pero sinigurong hindi siya mahalata."Tumawag ang kapatid mo." Imporma ni Zandro nang makabalik sa table."Hulaan ko, nasa pad mo siya ngayon?" Masiglang tanong ni Akira sa binata."Yes, and ok lang ba sa mga kaibigan mo kung inimbitahan ko ang kapatid mo?" tanong ni Zandro habang nakatingin kay Charlene.Mabilis na nag iwas ng tingin si Charlene sa binata at ayaw niyang makita nito na bigla siyang na bother. Hindi niya napaghandaang ma

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 57

    "Ano ang nangyari?" tanong agad ni Jude pagka angkas ng kaibigan sa kaniyang motor. "Ayun, selos na selos ang bruha dahil kinausap ako Terence.""Eh bakit nakasimangot ka?" tanong muli ni Jude saka pinatakbo na ang sasakyan.Yumakap si Charlene sa baywang ng kaibigan at pasigaw na sumagot. "Feeling na naman ng gago ay sinadya kong matambakan ng trabaho upang makuha ang atensyon niya gamit ang kaniyang kapatid."Pumalatak si Jude at napailing na lamang. "Kumapit kang mabuti at bibilisan ko ang patakbo dahil nakakahiya sa kapatid niya kung super late tayo, baka sisihin ka na naman ng ex mo."Napangiti si Charlene dahil sa birong totoo ng kaibigan. Mahigit kalahating oras ang beyahe kung hindi motorcycle ang sinasakyan niya dahil traffic. Magaling lang sumingit sa pagitan ng mga sasakyan ang kaibigan kaya twenty minutes lang ay narating na nila ang restaurant. "Hey, mabuti naman at pinakawalan ka ni kuya sa kompanya." Nakangiting bati ni Akira sa dalaga at sinalubong ito ng yakap saka

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 56

    Napipilan si Cynthia at may punto ang binata. "Pero hindi totoo na ako ang nagtambak ng trabaho sa kaniya ngayon!""Huwag mong idahilan na dahil sa selos kaya ginagawa mo ito sa kaniya?" Lalo lamang napipilan si Cynthia, parang hindi narinig ng binata ang sinabi niya kanina upang linisin ang pangalan niya. "Sa pagkatanda ko ay magkaibigan kayo noon at ang tungkol sa nakaraan namin ay labas ka na doon kaya huwag mo siya dapat ginaganito.""Masisi mo ba ako kung bakit ako nagseselos?" Masama ang loob na sumbat niya sa binata."Malinaw ang relasyon natin noon pa man, Cynthia."Parang sinuntok sa dibdib si Cynthia at ang heartless ng binata sa kaniyang damdamin. "Huwag mong sabihing mahal mo pa rin ang babaeng iyon sa kabila nang ginawa niya sa iyo?" Nang uuyam niyang tanong dito.Tumalikod si Terence sa halip na sagutin si Cynthia habang dala ang folders. "Sagutin mo ako, Terence!" Galit na habol ni Cynthia sa binata. Lalong nagpupuyos sa galit ang damdamin niya nang makitang patungo

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 55

    "Sorry sir, hamak na empleyado lamang po ako at walang karapatang tanggihan ang tinatambak na trabaho sa akin dahil kailangan ko ito. Pero salamat po sa pagpuna, maari po bang ipag bukas na itong trabahong pinatatapos sa akin ni Ma'am Cynthia?"Natigilan si Terence lalo na nang makitang biglang sumigla ang aura ni Charlene sa kaalaman na maari itong umalis ng maaga. Parang napahiya siya sa sarili dahil naging self-centred. Pinairal niya kasi ang pride at gusto ring paniwalain ang sarili na tama ang naisip niya."Charlene, huwag mo akong pagbintangan dahil hindi ako ang nagbigay sa iyo ng trabahong iyan!" Inis na angil ni Cynthia at hindi natutuwa sa pagiging pa victim nito sa harap ng nobyo niya at ng pamilya ng binata."Oh, then saan galing ang mga ito?" Itinuro ni Charlene ang nga folder."Iyan ay... ay—""That's enough!" Iritableng putol ni Terence sa pagsasalita ng nobya.Mariing naglapat ang mga labi ni Cynthia dahil sa inis. Ayaw siyang pakinggan ng nobyo at hindi niya kasi masa

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 54

    Nangunot ang noo ni Terence nang makitang tumatawag ang kapatid. Hindi ito basta tumatawag kung hindi naman importante kaya agad niyang sinagot. "Kuya, what's wrong with your fiancee?" Naiinis na bungad ni Akira pagka sagot ng kapatid sa tawag niya.Lalong nangunot ang noo ni Terence nang marinig ang reklamo ng kapatid. "May ginawa ba siya sa iyo?""Hindi sa akin kundi kay Charlene!" Inis na sumbong ni Akira mula aa kabilang linya.Nagsalubong na ang nga kilay ni Terence at napatayo. "What happened to her?"Napangisi si Akira nang mahamig sa tinig ng kapatid ang pag alala. Pero agad din iyon napalis at ayaw niyang maramdaman ng kapatid kung ano ang reaction niya sa damdamin nito ngayon. "Tinambakan lang naman niya ng trabaho si Ate Charlene in last minute kaya hindi makarating siya sa dinner namin ngayon!" Maktol niya at pinaramdam sa kapatid na hindi siya natutuw.Puwede naman ni Akirang personal na sugurin si Cynthia at sitahin. Pero gusto niya lang ito bigyan ng leksyon gamit ang

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 53

    Nangunot ang noo ni Charlene nang makitang nakatayo sa harapan ng working table niya ang isa sa ka office mate." May kailangan ka?"Napakamot sa batok ang ginang saka ngumiti. "May hingin sana akong pabor kung puwede?""Kung kaya ko po, ano po ba iyan?" magalang niyang tanong sa ginang. Kilala niya ito at lagi ring nagmamadaling umuwi dahil magluluto pa umano at maraming gawain sa bahay. Mukha na nga itong haggard, balita niya rin ay walang trabaho ang asawa nito kaya nagtataka siya kung bakit hindi ang lalaki gumagawa ng gawain sa bahay dahil may trabaho ang babae."Nahihirapan kasi ako sa pinagagawa sa akin ni Ma'am Cynthia, maari mo ba akong tulungan?"Napatingin si Charlene sa suot na relo. One hour na lang ay uwian na ar may tinatapos din siya."Please? Alam mo namang hindi ako maaring mag over time." Pakiusap nf ginang at mukhang hindi mapakali. "Umalis kasi ang asawa ko at pumunta sa birthday ng barkada. Tiyak na lasing iyon at kapag walang pagkain pagka uwi niya ay magwawala i

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 20

    Kakaupo lang ni Charlene nang tumunog ang cellphone niya. Tinatawagan na siya ng rider na nagde deliver ng order niyang pagkain. Nagmamadali siyang tumayo at kailangan niyang babain ang rider. Pero bago niya narating ang exit door ay nakita niya si Terence na pasakay sa sasakyan nitong huminto sa h

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 19

    Bago simunlan muli ang trabaho ay napatingin siya sa hallway na paputan sa opisina ng CEO. Sigurado na kasama nito si Cynthia sa opsina. Mukhang marami din itong trabaho na kailangang tapusin kaya nag overtime din. Nagkibit balikat siya atIwinaksi na sa isipan ang binata. Kailangan niyang mag focu

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 18

    "Sigurado ka na tatapusin mo pa iyang trabaho mo?" nag aalalang tanong ni Jude sa kaibigan habang nakatingin sa naka tambak na folder sa table nito. Hindi hinihiwalay ang tingin sa screen ng computer na tumango si Charlene sa kaibigan. Every seconds sa kaniya ngayon ay importante. Nadagdagan kasi

  • THE BEST MISTAKE: The Rebellious Heirs   Book 3: Chapter 17

    Napahiya si Charlene at nawala sa isip niya ang bagay na iyon. Mayroon nga naman walang ginawa dahil sa kaniya at sayang oras na binabayad sa mga ito. Pero hindi naman talaga kasi niya porte o trabaho itong nakatuka sa kaniya. Siya lang talaga ang gusto ng client na gumawa niyon. Marahan siyang hum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status