LOGIN"Dalhin niyo na po iyan sa kulungan!" Matigas na utos ni Terence sa hepe."No... you can't do this to me, Terence! Ako ang maging asawa mo at hindi ang malanding babaeng iyan!" Nagwawalang sigaw ni Cynat parang may sapi dahil kahit dalawa na ang may hawak dito ay nagagawa pa rin maglubid ng katawan upang makawala."Tama na miss, huwag ka nang manlaban pa upang hindi na kayo masaktan pa." Kausap ng hepe sa dalaga.Tumigil nga sa pagwawala si Cynthia pero pumalit ay tawa. Parang may kumikiliti at tawa ng tawa habang nakatitig kay Terence. Ilang sandali pa ay umiyak dahil hindi nakikitaan ng awa mula kay Terence para dito."Dapat siguro ay sa mental hospital siya dalhin sa halip na presinto." Puna ni Cyril sa babae at napailing siya sa kabaliwan nito sa anak niya. Hindi niya akalain na ang Cynthia na ipinakilala sa kaniya ng asawa ay kayang gumawa ng kasamaan at mawala sa sarili."No dad, nagbabaliw baliwan lang ang babaeng iyan upang hindi mapanagot sa batas." Tutol ni Terence sa nais
"Papatayin kitang hayop kang malandi ka!" Naghistirika na si Cynthia at nangangati ang mga kamay na mapaputok ang hawak na baril. Ngunit hindi magawa dahil nagtatago ang babae sa likod ni Terence. "Terence, baka mapahamak ka. Hayaan mo na akong harapin siya." Natatakot na kausap ni Charlene sa nobyo habang mahipit na nakahawak sa braso nito."No, stay away from her." Matigas na turan ni Terence at hindi hinihiwalay ang tingin kay Cynthia. Nang makita ang ama na nasa bungad na nang pinto at nagsenyasan sila gamit lang ang tingin. Pinarating ng tingin ni Cyril sa anak na libangin si Cynthia upang hindi siya mapansin na maka lapit dito at maagawa ang hawak na baril."Cynthia, " tawag ni Terence sa babae nang mangunot ang noo nito. "Mahal mo ba talaga ako?"Nagulat si Cynthia sa biglang bago ng tono ni Terence at hindi inaasahan ang ganoong tanong mula rito. "Hindi tayo hahantong sa ganito kung hindi kita mahal na mahal!""Hayaan mong makaalis si Charlene at sasama ako sa iyo kung saan
Nangalit ang mga bagang ni Terence at humigpit pa ang yakap sa dalaga. Hindi niya rin kayang isipin na mawala ang dalaga. Kung sinunod niya ang utos ng ama at hepe.ay baka nahuli na siya sa pag ligtas sa nobya. Binuhat niya ang dalaga at humakbang na palabas ng silid ngunit natalisod niya ang lamesa kaya natumba.Napalingon si Cynthia sa pinto nang makarinig ng lagabog doon. Babalik na sana siya sa loob nang biglang magsalita ang lalaking nanghihingi ng tubig."Pulis ito, itaas ang mga kamay at huwag nang magtangkang manlaban dahil napapalibutan na namin kayo!" Nanlaki ang mga mata ni Cynthia at nakatutok na sa kanila ang baril na hawak ng pulis. Ang tao niya ay mukhang na estatwa na sa kinatayuan at agag na itinaas ang mga kamay. "No..." nanlisik ang mga mata niya dahil sa galit. "Hindi ako papayag!"Napamura ang hepe nang biglang ibato sa kaniya ng babae ang hawak nitong cellphone at mabilis na nakapasok sa pinto. Naisara agad nito ang pinto bago pa niya mapigilan iyon na magsara.
Parang nabunutan ng tinik si Charlene at pansamantalang naudlot ang kahalayan ni Willy. Nang maalala na may tao sa paligid ay bigla siyang sumigaw. "Tulong! Tulunga—uhmp!"Galit na tinakpan ni Willy ang bibig ng dalaga saka idiniin ang katawan nito sa dingding upang hindi makapag pumiglas.Halos dumugo na ang gilagid ni Terence dahil pangangalit ng mga ngipin nang marinig ang sigaw ni Charlene. Kung puwede niya lang wasakin na ang pinto. Nang maalala na silencer ang hawak na baril at pinaputuka na niya ang seradura. Sinabayan niya ang ingay sa loob.Nangunot ang noo ni Cynthia nang pag silip niya sa bintana ay makita niya ang isang mukhang matanda na may hilang kambing palapit sa bahay. Ilang sandali pa ay napalingon siya sa kusina at parang may kumalabog doon. "Ma'am, ano po ang gagawin ko sa lalaking baliligaw dito?" tanong ng tao ni Cynthia. "Paalisin mo!" Pagalit na utos ni Cynthia. Nagtataka rin siya kung nasa ganito lugar pa ang lalaki dahil palubog na ang araw.Agad na sinuno
"Ano na ang sitwasyon diyan?" tanong ng hepe sa tauhan at malapit na rin sila. Mabuti na lang at maliwanag pa ang paligid."Napalibutan na po namin sila at hinintay ang inyong go signal. May dumating babae at mukhang sinasaktan ang bihag."Naikuyom ni Terence ang mga kamay at sigurado siya na si Cynthia ang nakita ng kapulisan. Wala pang dalawang minuto ay huminto na ang sasakyan, hindi kalayuan mula sa bahay na pinagdalhan kay Charlene. Hindi niya talaga mapatawad ang babaeng iyon sa ginawa nito sa nobya niya sa ikalawang pagkakataon. Nag iisa ang bahay sa isang parang farm na napabayaan na dahil walang tanim o hayop sa paligid."Sir, huwag po kayo padalos dalos at naka lalong malagay sa pelegro ang nobya ninyo." Pigil ng hepe kay Terence nang tangkang baba na ito ng sasakyan."Ano pa ang hinihintay ninyo? Saka lang ba kayo kikilos kapag napahamak na nang tuluyan ang nobya ko?" Inis na tanong ni Terence sa hepe."Terence, kumalma ka at alam nila kung ano ang dapat gawin." Kausap ni C
Napalitan ng pagkaaliw ang galit na nadarama ni Willy nang makita ang hitsura ng dalaga. Ang sexy nito sa ganoong posisyon at lalo siyang ginaganahan kapag mukhang palaban ang babae pero mahina. "Fierce, baby!"Parang masuka si Charlene sa paraan ng mga titig sa kaniya ng binata. Kahit may bTali ang mga kamay ay nagawa niya damputin ang lampshade na nakitang naka patong sa bedside table. "Huwag kang lumapit!" Inumang niya ang hawak dito pero tumawa lang ang lalaki."Wow, sa tingin mo ay masasaktan mo ako sa hawak mong iyan?" Natatawang tanong ni Willy sa dalaga. Mabilis na bumaba ng kama si Charlene at kamuntik pa siyang matumba. Mahina pa rin talaga ang mga tuhod niya at nanginginig iyon. Nilalamig din siya dahil tanging bra at panty ang suot niya. Hindi na muna niya initindi ang lantad na katawan. Ang kailangan niya ay lakas at makapag isip ng tama upang matakasan ang lalaki. Nang humakbang muli ang lalaki palapit sa kaniya ay inihampas niya ang hawak dito ngunit hindi ito tinamaa
"Kawawa ka naman, aasa sa wala." Nang aasar at makahulugang turan ni Jessa."Kung wala ka lang ding alam kundi ang magyabang at mang asar, umalis ka sa harapan ko!" Inis na tinalikuran na niya si Jessa at ipinagpatuloy ang ginagawa.Tinawanan lang ni Jessa ang babae. Gusto niya sana lalo itong inis
"Excuse me," ani Blake bago sinagot ang tawag pero hindi na lumayo kina Faredah. "Sir, bad news!" ani Josh mula sa kabilang linya.Nangunot ang noo ni Blake at mukhang nahulaan na niya kung ano ang ipinag aalala ng kaniyang assistant. "Where are you?""Dito po sa opisina mo at hindi pa nakaalis. N
"Late na ba kami?" tanong ni Terence."Tita!" Nagmamadaling tumayo si Faredah at masayang sinalubong ang Tira Trisha niya.Pumalatak si Terence. "Pinsan, ako ang nasa unahan oh." Natatawang niyakap din ni Faredah ang binatang pinsan. Ang akala niya ay hindi makarating dahil nasa beyahe pa ito kani
"Hija, hindi ko kailangan ang material na bagay. Ang gusto ko na regalo ay bigyan mo na ako ng apo sa tuhod." Nagagalak na ani Mike sa dalaga at inakay itong maupo sa sofa."Lolo, ngayon lang kayo magkaharap ng nobya ko pero apo na agad ang hanap ninyo. Huwag niyo naman po siyang takutin." Sita ni







