"Hija, pasensya na at hindi niya alam ang pinagsasabi ng asawa ko. Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang sa katulong."Pinakatitigan ni Ian si Leo at inobsebahan kung paano ito makipag usap kay Akira. Ilang sandali pa ay nangunot ang noo niya. Hindi niya kasi nakikita sa kilos at salita ng ginoo na may special na feeling ito sa dalaga. Sa halip aay banaag niya sa mga mata nito ang paggalang kay Akira hindi bilang babae nito kundi bilang above sa status ng buhay."Sino ka bang talaga?" naitanong ni Ian pero sa isipan lamang."Leo, umamin ka, may relasyon ba kayo ng babae na iyan at ipinagtatanggol mo nang husto?" Galit na tanong ni Josie sa asawa at tinuro si Akira."Tsk, nakaka praning talaga ang walang mamanahin." Palatak na ani Akira. "You—""Enough, Josie! Hindi ka ba nahihiya sa bisita natin?" Galit pero pabulong na angil ni Leo sa asawa.Nagpupuyos sa galit ang kalooban ni Josie dahil sa galit at pagkapahiya na rin sa bisita nila. "Its fine!" ani Ian sa ginang nang masalubon
Ler mais