"Thank you, dad, I know na hindi mo pababayaan ang anak ko habang wala ako." Yumakap siya sa braso ng ama dahil karga nito ang bata.Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Trisha nang marinig ang sinabi ng anak. "Wait, ano ang ibig mong sabihin na kapag wala ka?""Mom, hinatid ko lang po ang apo ninyo at kailangan kong bumalik sa probinsya dahil hindi pa tapos ang trabaho ko doon." Nakangiting ani Akira habang palipat lipat ang tingin sa mga magulang.Bumagsak ang mga balikat ni Trisha sa narinig at bumuka ang bibig niya pero inunahan siyang mag salita ng anak."Thank you, mom. Natupad ko na ang gusto ninyong apo for me at babalik ako sa araw ng binyag niya." Mabilis na hinalikan ni Akira sa pisngi ang bata na nagising dahil sa ingay niya. "Bye baby, aalis muna moma, muah!" Nag flying kiss pa siya bago patakbong umalis. "What the fuck?" Naibulalas ni Cyril nang wala na ang anak nila sa kanilang harapan."Ang bibig mo, naririnig ng apo natin." Sita ni Trisha sa asawa.Mabilis na tinawag
Ler mais