"At bakit kita hayaang sumilip sa room ko? Hindi porke nakaniig mo ang isa naming katulong ay may karapatan na kayo sa kung ano ang gawin sa bahay namin!"Umangat ang isang sulok ng labi ni Ian. "So, responsible ka rin ba sa nangyari sa amin ni Akira dahil nangyari dito sa loob ng bahay ninyo?"Napipilan si Tracy at bahagyang nalaki ang mga mata. Nagpapasaklolo ang tinging ipinukol niya sa ina."Ian, ano man ang relasyon mo kay Akira at ang nangyari sa inyong dalawa ay labas na kami diyan dahil matatanda na kayo." Mahinahon na paliwanag ni Josie sa binata."Oh really? Pero alam ninyong may inihalo sa inumin namin kanina?"Nangunot ang noo ni Pablo at lumapit sa apo. "Ano ang ibig mong sabihin?"Kabadong napa tingin si Lucas kay Rosita. Tama nga siya nang naisip kanina na may alam si Ian. "Ano ang ibig sabibin ni Ian? May alam ka ba rito, Josie?" tanong ni Leo saka tumingin din sa anak."No, hindi ko alam ang sinasabi niya!" Mabilis na tanggi ni Josie pero kabado."Kuya Ian, kung aya
Read more