"Well, kung gusto mo na talagang umuwi ay maaari mo na akong iwan dito." Mukhang malungkot na ani Trisha sa anak at saka tumayo. Ibinigay muna ni Akira ang bata sa yaya na kasama ng ina niya saka sinundan ito na pumasok sa kusina. "Mom, hindi sa ayaw kitang makasama sa lugar na ito. Naisip ko lang na mas magandang pumunta tayo sa magandang lugar na nasa kabilang bayan.""I'm tired at ang haba ng biyahe mula sa airport papunta rito. Pwede bang magpahinga muna kahit ilang araw?""Of course mom, yes... maari kang magpahinga ng ilang araw dito bago tayo mamasyal sa ibang lugar." Pilit ngumiti si Akira sa ina. Sana lang ang sinasabing pahinga ng ina ay ilang araw lamang at hindi abutin ng linggo. Walang ibang nakakaalam tungkol sa bahay niyang ito pero teritoryo ni Ian ang lugar kaya nababahala pa rin siya. "Good!" Nakangiting ani Trisha saka binuksan ang refrigerator. "Oh... Ito lang laman ng refrigerator mo?" Ang gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Trisha sa anak.Napakamot si Akir
Read more