Nick’s POVSeven Months LaterMalakas ang tunog ng heart monitor beep… beep… beep at bawat tunog nito, parang sumasabay sa kabog ng puso ko. Ramdam ko ang lamig ng aking mga kamay habang mahigpit kong hawak ang kamay ni Audrey. Pinipilit kong maging matatag, pero sa loob-loob ko, nanginginig ako sa kaba at takot.Kita ko sa mukha niya ang paghihirap, ang pawis na dumadaloy sa gilid ng kanyang sentido, ang pag-igting ng bawat ugat sa kanyang leeg, at ang pagpipigil niya sa pag-iyak. Pero kahit gano’n, nando’n pa rin ‘yung lakas sa mga mata niya, ‘yung tapang ng isang ina na handang ibigay ang lahat.“Konting push na lang, Mommy! Lalabas na po si baby!” sabi ng doctor, may halong excitement ang boses.Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Love, kaya mo ‘to, okay? I’m here. Just breathe… please, breathe with me.”Inhale… exhale… inhale… exhale…Habang sinasabi ko ‘yon, napagtanto kong hindi lang pala para sa kanya ‘yung mga salitang ‘yon, kundi para rin sa sarili
Last Updated : 2025-10-27 Read more