Sage’s POVMula sa madilim na bintana ng kotse ni Ron, pinanood ko ang bulto ni Elena sa gitna ng kalsada. Kahit na nababalot siya ng dilim, damang-dama ko ang kaniyang nagngangalit na aura. Ang bawat kilos niya, ang padabog na pagkuha sa helmet, ang marahas na pagsabit nito sa motor, ay tila mga sigaw ng pagrerebelde na tumatama sa aking pandinig.Nang makita ko ang kaniyang repleksyon sa side mirror, hindi ako nagkamali. Isang matalim at nakakamamatay na tingin ang ipinukol niya sa akin, kasunod ng isang mapanghamong eye roll na tila ba sinasabing wala siyang pakialam sa aking posisyon.Napahigpit ang kapit ko sa aking tuhod. Gusto kong mapangiti, pero pinigilan ko ang aking sarili. Matigas talaga ang ulo mo, Elena.Sa totoo lang, kung wala ang putok ng kanyang sniper rifle kanina, baka hindi na ako ang nakaupo rito ngayon. Alam ko na utang ko sa kanya ang hininga ko sa gabing ito. Ang kaniyang "I was worried about you" ay tila isang mainit na haplos sa aking pagod na puso, isan
Magbasa pa