LOGINElena’s POVHindi ako pwedeng magkamali. Ang mga mata ng isang ahente ay hindi nadadaya ng simpleng guni-guni. May kakaiba sa labas ng gusali, hindi guni guni ang nakita ni Audrey kung hindi totoong tao.Mabilis ngunit walang tunog akong kumilos. Lumabas ako ng gallery gamit ang fire exit sa gilid at mabilis na umikot patungo sa likod ng building, sa mismong bahagi kung nasaan ang bintana ng opisina ni Jessica/Audrey sa ikalawang palapag.Agad na sumalubong sa akin ang masukal na garden na napaliligiran ng matataas na halaman at ornamental na mga kawayan. Ang hangin dito sa likod ay mas malamig, tila may dalang banta. Nanatiling nakahawak ang kanang kamay ko sa dulo ng a
Elena’s POVNgunit hindi siya natinag. Pinagmasdan niya ako nang mabuti, nanliliit ang kaniyang mga mata na tila may binabasa sa aking mukha. Hindi siya naniniwala sa akin.Pakiramdam ko, unti-unti nang nabibitak ang maskara ko sa harap niya. May kung anong misteryoso at malamlam sa kanyang aura ngayon.Bigla, napatigil siya. Napapikit ang kanyang mga mata at napahawak siya sa kanyang ulo.“Ahh!” Isang daing ng matinding sakit ang kumawala sa kaniya, parang may kung anong pumupunit sa loob ng kanyang bungo.“Miss Audrey! Audrey, are you okay?” Halos may panginginig ang boses ko habang lumalapit sa kanya.Bigla akong kinabahan at tatawag na
Elena’s POVNakatulog pala ako sa ibabaw ng mesa. Sinalubong ng aking namumungay na mga mata ang liwanag mula sa nakabukas pa ring laptop, kung saan nakalatag ang mga litratong nakuha ko kagabi mula sa opisina ng mga Lacraso.“Haaay...” Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko.Wala. Wala akong nakuha kahit isang kahina-hinalang impormasyon. Ang lahat ng nandoon ay puro malilinis at legal na kontrata.Napahawak na lang ako sa aking ulo, tila sumasabay ang kirot niyon sa bigat ng frustration na nararamdaman ko. Limang taon na akong nagmamasid, pero parang palaging may isang hakbang na nauuna sa akin ang mga Lacraso.Inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng kwarto. Doon, dinatnan ko si Ethan
Sage’s POVIsang tipid na ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang nakatanaw mula sa bintana ng aking kotse. Sa 'di kalayuan, nakita kong tumatadyak sa inis at nanggigigil si Elena habang naghihintay ng sasakyan.“Stubborn woman,” bulong ko sa sarili, habang pilit na pinapawi ang kirot sa aking kaliwang pisngi. Malakas siyang manuntok, pero mas masakit pala siyang sumampal.Nang masiguro kong ligtas siyang nakasakay sa taxi at walang anumang kahina-hinalang sasakyang sumusunod sa kaniya, mabilis kong binalot ng seryosong tingin ang aking mukha. Inapakan ko ang gas at pinaharurot ang aking Aston Martin patungo sa aming hideout.Dumiretso ako sa loob at dinatnan si Ron na kasalukuyang kumakain ng ramen.
Elena’s POVAng bawat segundo ng katahimikan sa pasilyo ay tila naging lason. Ang higpit ng pagkakahawak ni Elliot sa aking braso ay hindi na isang yakap ng proteksyon, ito ay kapit ng isang taong handang bumasag ng buto kapag napatunayang nagtaksil ako.Nagdilim ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Ang kanyang mapanuring tingin ay tila hinuhukay ang kaibuturan ng aking pagkatao, hinahanap kung totoo ang mga salita ni Sage."Elliot, nasasaktan ako..." bulong ko, hinayaan kong manginig ang aking boses at mapuno ng luha ang aking mga mata. Ibinaba ko ang aking depensa, ginawa ang sarili kong mukhang kaawa-awa sa kaniyang paningin."Don’t tell me... naniniwala ka sa kaniya?"H
Elena’s POVAng ritmo ng panganib ay mabilis na dumarating. Ang nakatutulig na tunog ng mga mamahaling sapatos at ang mabibigat na hakbang nina Elliot ay umaalingawngaw na sa makitid na pasilyo, galing sa lihim na silid ng pagpupulong.Papasok na sila sa mismong blind hallway kung saan kami nakatayo.Walang sapat na oras para magtago. Walang ibang daan. Kung makikita kaming dalawa rito na tahimik, magkasama, at galing sa naka-lock na opisina, tapos ang misyon.Masusunog ang limang taon kong pinaghirapan, at mas lalong mapapahamak si Sage.Kailangan ko ng mabilis at marahas na palusot. Isang iskanda
Scarlett’s POV Naririnig ko ang palitan ng maaanghang na salita nina Audrey at Nick. Imbes na ma-tense, hindi ko napigilang ngumiti. Sa totoo lang, masaya akong marinig kung paano siya bumabanat kay Nick. Siguro ito 'yung klase ng tapang na sana ay nagawa noon ni Jessica, ‘yung hindi lang basta ma
Nick’s POV Halos buong biyahe papunta sa opisina, hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Scarlett.She was right.Mas nasaktan ko si Jessica kaysa sa inakala ko. Hindi lang basta pagkukulang , I made choices that broke her. I ruined what we had… and now, I just want to make things right.Napahi
Dylan’s POV“Dylan, wait! You walk too fast!” sigaw ni Aiah habang naghahabol sa likuran ko.Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa paglakad, ni hindi ko man lang siya nilingon.“Tsk! My bag is heavy! I can’t catch up. Can you help me, please?” reklamo pa niya, pero mas pinili kong manahimik.
Nick’s POV“Mommy, do you know Dylan’s dad?” tanong ng batang babae kay Scarlett.Nagkatinginan kami. May bahid ng kaba sa kanyang tinig.“A-ah… yes, Bhabe. He’s a friend,” sagot niya, pilit ang ngiti. Pero alam kong may ibang kahulugan sa likod ng mga mata niya habang tumingin sa akin.Tinignan ko







