AV ➭ 049❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †“Congratulations, Ms. Levana. You are 6 weeks pregnant.” Natulala ako sa sinabi ng doktor. Halos kakagising ko lang at wala pa sa wisyo. Nawalan daw ako ng malay. Bago ‘yun, sobrang hilo ang nararamdaman ko hanggang sa nagdilim na lang bigla ang paningin ko at hindi ko na alam ang sunod na nangyari. “W-what?” Nanginginig kong tanong. Nanlamig bigla ang mga kamay ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. “Buntis ka. Mommy ka na.” Nakangiting sabi ng doktor. Isa siyang Filipina, pinadala siya ni boss Flame. “Masaya kami ng daddy mo para sa ‘yo, Levana, anak. Magkakaroon ka na ng kasama sa buhay.” I can see the genuine happiness of my parents. Tila kumikinang ang mga mata nila sa saya. “Thank you, mom and dad for all the support.”Pumatak ang luha ko ng haplusin ko ang sinapupunan ko. Hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa hindi maipaliwanag na saya na nararamdaman ko ngayon. “My baby.” Nakangiting wika ko. “I will monitor your pregnancy jo
AV ➭ 048❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †“Ashen? Tulala ka na naman.” Walang buhay akong lumingon kay Kohen pero hindi ako nagsalita. Katatapos lang ng meeting namin pero wala naman akong halos naintindihan sa mga sinabi nila. Ilang araw na rin ang lumipas simula ng iwanan ko si Feitan. Sa pag-alis ko, kasamang naiwan sa kanya ang puso ko at tanging masasayang ala-ala na lang na kasama siya ang dala ko. “Napapadalas na ‘yan ah? Gusto mo bang mag bakasyon muna?” Napaisip ako sa sinabi ni Kohen. “Mukhang kailangan ko nga ‘yan.” Mabuti pa nga siguro na magpakalayo-layo na lang muna ako. Gusto ko makalimot at bumalik sa dating Levana. Gusto ko ibalik ang dating ako noong mga panahon na hindi ko pa alam kung paano umibig. Kahit anong pigil ko na ‘wag isipin si Feitan, hindi ko pa rin mapigilan. I miss him so bad. Baka pag nagpatuloy pa ito, tuluyan ng masira ang ulo ko. Hanggat kaya ko, pinipigilan ko ang sarili ko na puntahan siya. Wala na ako naging balita pa sa naging huling misyon
AV ➭ 047❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †“Puro ka talaga kalokohan.” Kinurot sa gilid ng baywang si Feitan ng makalabas kami sa kwarto ni Danilo. Bigla ba naman nahirapan huminga ang matanda dahil sa huling sinabi niya kaya agad niyang pinatawag si Wesley at personal nurses nito. Stable na si Danilo ngayon, bumilis lang daw ang tibøk ng puso dahil sa labis na excitement. “Ouch! Sorry na, Mommy. Gusto ko lang naman kasi na buhayin ang dugo ni uncle. Effective naman kaso nasobrahan yata.” Kamot-ulo niyang sabi. “Tch. Ang kulit mo kasi.” Inakbayan niya ako habang ako naman ay nakayapos ang isang braso sa baywang niya. “Tara, sa kagubatan. May ipapakita ako sa ‘yo na magandang tanawin.” Naglalakad-lakad kami sa kagubatan. Sa dulong bahagi nito tumambad sa akin isang waterfall at napaka linaw at linis na tubig ng batis. Namangha ako sa ganda ng tanawin. “Ang ganda naman dito, Love.” Agad akong lumapit sa tubig. Napakalamig nito at presko din ang hangin dito. “Dito ako madalas magbaba
AV ➭ 046❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †Madaling araw na kami natapos ni Feitan pero maaga pa rin akong nagising. Hindi na ako nagtangka na bumalik sa tulog, naisip ko na lang na maghanda ng almusal namin. Tulog na tulog pa si Feitan habang nakadapa at humihilik pa. Nagmamalaki ang pwet niya dahil sa tambok nito. Wala kasi siyang suot na kahit anong saplot. Maingat kong inalis ang braso niyang nakayakap sa baywang ko. Kinumutan ko siya dahil nakabalandra ang pwitan niya. Naglinis na muna ako ng katawan at nagpalit ng maayos na damit. “Good morning po.” Bati ko kay manang Bell. “Magandang umaga din, hija. Gusto mo ba ng kape?” Nakangiti nitong tanong. “Opo pero ako na lang po ang magtimpla.” Nahihiya kasi ako mag-utos. “O, siya sige para makuha mo ang gusto mong lasa.” Binigay na lang sa akin ni Manang Bell ang mga kailangan sa pagtimpla ng kape. “Ano pala ang gusto mong almusal? Si senyorito Zach kasi basta may pritong itlog, okay na sa kanya ang kahit ano tapos black coffee.”
AV ➭ 045 [ RATED SPG!!! ]❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †“I’m already here, uncle. How are you?” Malambing na tanong ni Feitan kay Danilo habang ang isang kamay nito at nilapat sa kanyang pisngi. Nakatayo ako sa likuran niya. Nakadilat na ang mga mata ni Danilo pero parang tumatagos ang tingin. Marami din na iba't-ibang aparato ang nakakabit sa katawan niya. “If you can hear me, please move your finger.” Kahit nahihirapan, naigalaw ni Danilo ang isang daliri niya. Laking tuwa naman ni Feitan sa pag-response ng tiyuhin. “Ah ah…” May mahinang tinig na nililikha si Danilo habang may tinuturo sa likuran ni Feitan. Lumingon sa akin si Feitan tsaka nakangiti na bumaling ulit kay Danilo. “Siya ba? Ang ganda niya ‘no? She's my girlfriend and soon to be my wife.” Nakangiting turan ni Feitan. “Uncle, meet my girlfriend, Levana.” Hinawakan ni Feitan ang palad ko at marahan na hinila palapit sa kanya. “Love, he's my uncle Danilo. My second father. My biological father's best friend.” Masay
AV ➭ 044❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †“Sino ‘yung kausap mo, Love?” Bigla na lang sumulpot si Feitan mula sa likod ko. Mabilis kong pinatay ang cellphone ko matapos ko kausapin ang kapatid kong si Lieve. Siya ang inutusan kong kumuha ng mga importante kong gamit at files sa condo unit ko pag-alis namin ni Feitan. Si Hikaru naman ang mag-track sa akin kung saan man kami pupunta ni Feitan gamit ang gps na nakakabit sa cellphone at hikaw ko. Mag-aabang siya sa akin dala ang sasakyan niya sa paglabas ko para mabilis kaming makalayo. “Ang bunsong kapatid ko lang, Love. Sinabi ko lang na hindi na muna ako makakabisita sa kanila ngayong weekend.” Pagsisinungaling ko. “Sige, next week bisitahin mo sila. Sasama na rin ako, gusto ko makilala ang pamilya mo. Ayos lang ba?” Nakangiti niyang tanong. Ngumiti na lang din ako at tumango kahit alam ko naman na hindi na mangyayari 'yun. “Ikaw ang bahala, Love.” Tanging sagot ko. “I’m excited, Love! Let's go.” Magkahawak-kamay kami na lumabas sa